Tila isang bagong silang na sanggol nang magising ang Senyorita. Madaling pumasok ang liwanag ng araw sa kanyang bintana dahilan para siya ay magising mula sa napakasarap na pagkakahimbing. Napakarami niyang panaginipan ngunit kaunti lang ang kanyang natatandaan. Kung mayron may ay wala nang iba kundi tungkol nanaman iyon marahil sa kanyang sinta na si Fidel.
Naging mahaba ang kanyang tulog dahil linggo iyon at syempre walang pasok sa pinapasukan niyang skwelahan. Sa wakas ay madali niyang nabawi ang kanyang lakas sa dami ng kanyang pinag aralan kagabi. Hindi tulad sa Camarines ay mahahaba palagi ang kanyang tulog, dito sa Maynila ay hindi lang basta palagi mag pahinga. Marami dapat siyang iisipin.
Kahit gulo-gulo parin ang kanyang buhok ay mailalarawan parin ang natural na ganda ng dalaga. Ang napaka puti nitong kutis at maalindog na pangangatawan. Nasa kanya na ang katangian ng isang ganap na pagiging babae. Suot niya ang manipis na dami na makikita ang kanyang hugis ng pangangatawan. Kahit sinong lalake ang makita sa ganung ayus niya ang hindi malayong matutukso ang mga ito.
Bago tuluyang bumangon ay inunat muna ni Elena ang kanyang dalawang braso. Inangat niya ito sa sabay tingin sa binatana. "Isang napakagandang umaga! Panibagong taon ng aking buhay!" bungad niya. Napangiti sya nang makitang natutulog parin ang kanyang alagang aso sa sahig. Malaki na ito kumpara sa dati.
Ngayong araw ang kanyang ika dalawamput dalawang kaarawan. Ito ang araw na kanyang pinakahihintay dahil luluwas sa Maynila sila Don Alfredo at si Donya Cristina, kasama rin ng mga ito ang kanyang mga Tiyahin at tito galing sa Camarines. Sa wakas ang muli nanaman silang magkikita na magpipinsan.
Maya-maya pa ay may narinig siyang katok sa kanyang kwaro.
"Senyorita Elena, gising na po ba kayo? Maari ba ako pumasok?"
Kilala niya kung sino ang kumakatok sa labas ng kanyang kwarto. Wala nang iba kundi ang kanyang malapit na Yaya na si Martha. "Opo Yaya," sabi niya.
Pumasok si Martha sa loob ng kwarto. "Magandang umaga sa inyo senyorita, mabuti po ay gising na kayo. Nakahanda na po almusal ibaba. Inihanda namin lahat ng paburito ninyong pagkain." Nakangiti nitong wika.
"Naku Yaya Martha mukang may nakakalimutan kayo ah." Pagtatampo ni Elena.
Tumawa muna si Martha bago sumagot. "Naku Elena, ako pa ba ang makakalimot sa iyong kaarawan? Simula maliit ka palang ay ako na ang nag alaga sa iyo kaya naman kabisadong kabisado ko na lahat ang tungkol sa inyo."
Dali-dali bumaba si Elena sa kanyang malaking kama at binigyan niya ng mahigpit na yakap si Martha na nagsilbing kanya naring pangalawang ina. Marami rin kasi itong sakripisyo sa pag aalaga nito sa kanya kaya naman ganun ang kanyang pagiging pasasalamat. Sa katunayan ay mas naging malambig siya dito kumpara sa kanyang kinalakihang ina na si Donya Crisitina.
Ngunit lingid parin sa kanya ang tunay niyang pagkatao.
#
"Maligayang ika dalawamput dalawang kaarawan sa iyo Elena." Maligayang bati sa kanya ni Lea. Niyakap siya nito kasabay nun ang halik sa pisngi. Hindi lang si Lea ang kanyang pinsan ang naroon sa espesyal niyang kaarawan. pati narin ang mga iba pa nilang malalapit na kamak anak ay dumalo sa kanyang kaarawan.
"Maraming salamat. Hindi ko aasahan ang inyong pagdating dito sa Maynila. Talagang akoy nasupresa." Sabi ni Elena sa kanyang mga pinsan.
Si Lea ang panganay na anak sa kanyang tiyahin na si Tiya Victoria. Magkasing edad lamang sila ngunit mas matanda si Lea kay Elena ng tatlong buwan lamang. Pinanganak ito sa Maynila ngunit lumaki sa Camarines Sur. Kung may pinsan siyang pinaka matalik, iyon ay si Lea. May kapatid si Lea na mas bata dito, iyon ay si Carolina. Kumpara kay Lea, si Carolina ay talagang lumaki sa Maynila.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Historical FictionHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...