Chapter 37: Kanlinawan

225 6 0
                                    


Ang napakadilim na kagubatang nasa gawing dulo ng Hasyeda ng pamilya Hernandez ay talagang kinatatakutan ng mga taong bayan. Maraming kwento ang mga matatanda na binabahayan ito ng engkandatang napaka ganda. Hindi lang mga diwata ang pinaniniwalaang naninirahan sa gubat na ito, Maligno, lamang lupa, pati narin mga aswang.

Sa lahat ng mga kwentong bayan na ito ay ang storya tungkol kay Cecilia ang nagpatindig ng balahibo sa mga kanayon. Si Cecilia ay isa raw magkukulam na naninirahan mismo sa nasabing gubat. Oras na may makita siyang ibang taong nagawi roon ay agad niya itong aatakihin at kakainin ng buhay. Isa itong kwento na nagpasalit salit sa maraming tao lalo sa mga batang paslit. Naging panakot ito sa kanilang mga anak na wag silang gumawi sa madilim na gubat dahil baka makita nila si Cecilia at kainin sila.

Ngunit wala naman itong katotohanan at ang mga iba naman ay hindi naniwala sa kwento. Ngunit ang tungkol kay Cecilia ay isang bahagi ng kanilang kasaysayan na gusto nang kalimutan ng ibang nakaka alala lalo sa mga taong naroon noong gabing pinatay nila ang pinaniniwalaang salot.

Maraming puno ng balete ang nakatanim sa kinatatakutang kubat. Dahil narin sa kapal ng mga dahon nito ay natatakpan ang liwanag na nang gagaling sana sa araw. Kaya naman kahit tanghaling tapat ay animoy gabi kung mapapadaan roon. Malamig ang naging temperatura sa lugar kaya naman marami ring mapagkukuhanang samot saraing halamang gamot sa lupaing basa.

Mahiwaga at may tinatagong misteryo ang gubat na ito.

Pero higit pa pala sa pinapaniwalaan nilang maligno, aswang, engkanto ang dapat katakutan ng mga tao roon oras na maligaw sila sa gubat. Ito ay sa kadahilanang doon nag tatago ang mga bandido na pinamumunoan ni Salasar. Ang mga tulisang ito ay hindi matanggap sa lipunan. Mas ginusto nalamang nilang manirahan sa mga kagubatan at kabundukan narin ng Camarines Sur. Napaka ilap nilang magtago ng kanilang matitirahan dahil palipat lipat sila ng lugar. Natatakot silang makita ng iba pang taong bayan. Para sa kanila ay sa kanila dapat ang lupaing tinitirikan ng Mansyon ng mga Hernandez.

Mayron silang sariling lipunan na kanilang pinangangawakan. Tinawag nila itong Kanlinawan na ang ibig sabihin nito ay "kapayapaan."

Namumuhay ang mga Kanlinawan sa mga bulubundukin. Tinuring silang mga bandido dahil handa silang pumatay at gumamit ng dahas oras na may ibang umangkin, kahit galawin lang ano man ang nasa kanilang teritoryo. Marami nang sangkot ang mga Kanlinawan sa napakaraming patayan na nagaganap sa Camarines Sur. Tinagurian silang Salot o di kayay peste ng lipunan.

Ang hindi nauunawaan ng marami tungkol sa kanila ay may sarili rin silang prinsipyo at pinaglalaban hindi lang para sa kanilang sarili kundi narin para sa ikakabuti ng bayan. Kahit na kalaban ang turing ng mamamayan sa kanila, hangad parin ng mga Kanlinawan ng kaayusan sa lahat. At ang paraan para makamit ito ay sa pag gamit ng dahas. "Pumatay para sa kapayapaan," ganito ang matibay nilang prinsipyo.

Kakaunti lamang ang bilang ng kanilang hukbo. Ngunit sapat na ang bilang na iyon para manakop ng isang pronbinsya.

Bukod sa pangingisda sa ilog at pangunguha lamang ng mga ligaw na bunga ay wala na silang alam na pagkukuhanan ng buhay. Ang kanilang pangangailangan ay nakukuha nila sa pamamagitan ng pag angkin ng mga pag mamay ari ng iba sa karatig bayan. Mga Manok, baboy, baka, at kahit ang mga paslit na bata ay dinudukot nila upang palakihin at maging kasabi ng kanilang pangkat. Sinasanay nila ito humawak ng baril at gumamit ng sandata.

Bawat kasapi ng kanilang samahan ay may dalawang sumpaan na kanilang pinangangawakan. Iyon ang unang hindi dapat nila kalimutan. Una Handang kumitil at handang magbuwis ng buhay, at ang pangalawa Mamamatay ang mahina, mananatili ang malakas. Ganito katibay ang kanilang prinsipyo.

In Loving Memory  Of Maria Elena Garchitorena Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon