Chapter 27: Ang Misa

485 20 0
                                    

"Doooong! Dooooong! Doooong" rinig na rinig ang sa buong bayan ang kampana simbahan. Magsisimula na muli ang panghapong misa ni Padre Campos. Ganito kalakas ang tunog ng kampanang iyon. Halos kung malapit ka sa simbahan ay ramdam ang loob ng katawan ang yanig ng tunog ng kampana.

Napakaraming mga kanayon ang dali-dali pumunta sa simbahan. Nagkalat narin ang mga nagtitinda ng mga sampaguita, kandila, at ilang mga pagkain sa labas.

Nang makarating na ang magarang karwahe ni Donya Christina ay nagbigay ng madaraanan ang mga tao. Sa likod ng karwahe ay may mga nakasunod ring mga sundalo upang magbigay ng proreksyon sa donya.

Napaka gara at napaka ganda ng suot ni Donya Chrisita. Ang kanyang damit ay napapalamutian ng ilang mahahaling bato at ang tela naman ay gawa sa bihirang tela na matatagpuan lamang sa china. Nabili niya iyon sa mga intsik sa mahal na presyo.

Inalalayan naman ni Yaya Martha si Elena sa pagbaba ng Karwahe. Nakasuot naman ang Senyorita ng puting tela na hinabi mula sa sapot ng higad. Makintad ang pagkakayari kaya naman parang kumikinang iyon sa tuwing tumatapat sa ilawanang ng araw.

"Abay, siya nga ang anak nila Donya Christina at Don Anfredo. Napaka ganda talaga niyang bata." Opinyon ng isang matandang babae nagbubulongan sa isang tabi.

"Pero kung mapapansin naman ng maiigi ay tila hindi sila mag ina ng Donya eh. Walang namang katangian ang Senyorita mula sa Donya. Baka ampon lang si Senyorita Elena sa mga Hernandez."

"Psssssst!" suway agad ng isa. "Huwag nyong lakasan ang inyong mga boses at baka marinig nila tayo. Kayo talaga, kayo-kayo lang gumgawa ng ganyang paratang!"

Magkatabi ang mag ina habang papasok sa napaka laking simbahan ng Camarines Sur. Bayat taong kanilang madaraanan ay tumutungo upang magbigay ng malaking pag galang. Hindi lang para sa Mag inang Hernandez kundi para sa kanilang kinilalalang makapangyarihang tao sa kanilang bayan. Kapangyarihan na gawa ng yaman at pera.

"Palimos po." sabi ng batang yagit na lumapit sa kanila.

Naging masungit ang naging pagmumukha ng Donya dahil sa ayus ng pananamit ng bata. Napaka dumi kasi nito na marahil ay isang linggo na itong hindi naliligo. "Paalisin nyo sa aking paningin ang pulubing iyan!" mataray ng utos ng Donya sa mga taohan nito.

Paliga-linga si Elena nang makapasok na sila ng simbahan. Isang tao lang naman kasi ang kanyang gustong makita ng mga oras na iyon. Si Fidel. Isang beses sa isang linggo ay nakakalabas lang siya sa mansyon para samahan ang kanyang ina sa pang hapung misa. Bigo siya dahil ni anino lang ng kanyang sinta ay hindi nya mahananap. "Fidel kahit saglit lang. Gusto na kita makita. Asan ka ba"

Napakaraming rebulto ng santo at maraming anghel ang makikitang naka disenyo sa loob ng simbahang iyon. Napaka andito ang ilan sa mga iyon na kung totousin ay yari na iyon noong panahon pa ng mga kastila. Sa gitna ng altar ay matatanaw ang napaka laking cross pero wala wala si Hesus na nakapako roon. Marami ring nakasinding kandila para magbigay ng liwanag sa altar.

Hindi tulad ng inaasahan ng Donya ay si Padre Hidalgo pala ang siyang magbibigay ng sermon sa misang iyon.

"Kung kayo ang tatanungin, ano ang ibig sabihin sa inyo ang salitang pag-ibig? Ito ba ang nakikita? Nahahawakan? Naamoy? Oh talagang nararamdaman lamang nating mga tao?" ito ang unang sinabi ni Padre Hidalgo sa kanyang sermon.

Ang mga tao kasama ang Donya ay tahimik lamang na nakikinig.

"Sa katunayan ay walang batayan o sukatan ang tunay na pagmamahal. Lahat tayo ay may sarilng dipinasyon ng pag ibig. At ang bawat isa dito ay may sariling kahulogan para sa taong minamahal narin. May pag ibig para anak, magulang, sinisinta, kaibigan, kaanak, kaibigan, at kahit ang ating mga alagang hayop ay nabibigyan narin ng pagmamahal na ito. Ngunit magkakaiba ang o pamantayan sa taong gusto natin."

Ang sermong iyon ang nagbigay ng ngiti sa labi ni Elena. Ang kanya amang kasing naiisip ay ang pagmamahal niya sa lalakeng gusto na niyang makasama habang buhay. Kahit sa ganung paaran ay tila ba nakahanap siya ng kakampi kay Padre Hidalgo.

"Palagi nating tandaan na ang tunay na pagmamahal ay parang sugal ng ating emosyon at nararamdaman. Wala rin iyon pinagkaiba sa pag-ibig ng diyos sating mga tao. Dahil ang tunay na pag-ibig may may kalakip ng matinding sakripisyo, handa kang maghintay, masaktan, masugatan, oh kahit buhay pa ang kapalit alang-alang lamang sa sinisigaw ng ating puso." Ito ang mga huling kataga ni Padre Hidalgo ng tapusin na niya ng kanyang misa.

Sa bandang kaliwa ng simbahan ay nandun rin pala ang ang binatang sobrang minahal ng Senyorita, si Fidel. Nagbigayan nalamang sila ng ngiti sa kanilang mga labi. Nakaramdam rin ng kaba si Elena dahil katabi lamang niya ang kanyang ina.

In Loving Memory  Of Maria Elena Garchitorena Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon