Mabilis lumipas ang bawat oras sa tuwing nagpipinta ang senyorita sa loob ng kanyang silid. Hindi niya namamalayan ang tagal ng kanyang pagkakaupo kaharap ang malaking canvas at may hawak na plato na nalalagyan ng makukulay na pintura. Ganito ang palaging ginagawa niya sa tuwing nakukulong nalamang siya sa malawak na mansyon.
Napakahusay kung paano niya iguhit ang isang babae na mas matanda ang edad sa kanya. Nakahubad ito at tanging kumot lamang ang syang tumatakip sa maalindog nitong pangangatawan. Napaka ganda ng larawan ng kanyang ipininta. Maypagkakahawig din sila ng babaeng kanyang iginuhit. Tuloy ay naging pamilyar sa kanya kung nakita na ba niya ang babaeng kanyang naipinta. Hindi niya matandaan pero ang alam lamang niya ay gawa lamang iyon ng kanyang imahinasyon.
"Ayan tapus na. Maganda ba Bagani ang aking naipinta?" tanong niya sa kanyang alagang aso na kanina pa syang pinapanuod.
"AW AW AW!" wika nito. Mababasa sa mukha ng aso ng isang masayang pag sang ayon. Hinimas ni Elena ang ulo ni Bagani.
Muli ay tinitigan nya ang magandang babae. "Napaka pamilyar niya saken. Nakita ko na ba sya? Baka sa panaginip lamang o talagang hindi ko na maalala" isa lang ang nakaksigurado niya. Ang gumagaan ang kanyang pakiramdam sa tuwing natitigan niya ng matagal ang painting na iyon.
"Senyorita Elena, handa na po ang inyong almusal. Hinihintay na po kayo nila Don Alfredo at Donya Cristina sa ibaba." Sabi ng isang kasambahay na kakapasok pa lamang sa kwarto.
#
"Malala na ito. Hindi na mapipigil ang miyembro nila Salazar. Noong nakaraang linggo lamang ay mayron nanaman silang pinatay dito sa loob ng mansyon. Nagpapahiwatig ba sila ng rebulosyon laban satin?" Sabi ni Simoun habang hinihiwa ang pirasong karne gamit nag hawak ang kubiyertos.
Ang Donya naman ay walang pakielam sa pinag uusapan. Naiisip lamang niya ang magsimba para mamayang hapon. Marami rin silang pag uusapan nila Padre Campos at Padre Hidalgo pagkatapus ng misa. Tungkol nanaman kasi sa yaman ng pera ang kanilang tatalakayin.
"Naiisip ko, mas mainam kung magkakaroon tayo ng maraming sundalo dito para sa Hasyenda at para narin sa kaligtasan ng mga taong nag tatrabaho. Hindi na ako makakapayag na makakaulit sila Salazar ng ganito." Nialapag ni Don Alfredo ang malaking diyaryo. Kinuha nalamang niya ang tasa ng kape usap humigot ng mainit na kape.
Huminga ng malalim si Simoun. "Bakit di nalang tayo gumawa ng paraan para hatin ang pangkat nila. Nariyan lamang sila sa labas ng Hasyenda. Nagtatago lamang sila sa mga bundok at tagong lugar. Kung di narin sila hahanapin ay malamang ay di sila makakapigil sa kanilang masamang plano."
"Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa nila ito. Malaki ba ang galit nila sating mga Hernandez? Ano ba ang nagawa nating masama para sila ay mag rebelde." Tanong ni Paloma.
"Paloma, matagal nang panahon nang sinisiraan tayo ng mga tulisan ni Salazar. Pilit nila tayong sinisira sa mga taon bayan para sa ganun ay sila naman ang makinabang sa kapangyarihang na mayron tayo." Sabi ni Victoria.
Napatingin ang Donya sa kanyang anak. "Elena, mag handa ka mamayang hapun."
"Bakit po mama, saan po tayo pupunta?"
"Lingo ngayon kaya mag sisimba tayo. Tamang tama dahil si Padre Hildalgo ang magbibigay ng misa mamaya."
"Opo." Napasulyap si Elena sa Dyaryong nakalapag lamang sa lamesa. Doon ay nakita niya ang larawan ng lalakeng pinatay ng mga tulisan ni Salazar. Ang matandang lalakeng iyon ay napaka pamilyar sa kanya. Hindi nga siiya nagkakamali nakita na niya ang matandang lalakeng pinatay. Iyon ang taong grasang nakasalubong niya sa gubat noong makikipagkita siya kay Fidel nun. "S-siya ang misteryusong lalakeng nakasalubong namin ni bagani sa gubat. Ang nakakapagtaka ay bakit kilala nya ako nung una kaming magkita. Sino ang matandang lalakeng ito? At b-bkit siya pinatay ng mga rebelde?" sabi sa isip ni Elena. Gulong-gulo na sya sa mga pangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/124631052-288-k71548.jpg)
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Ficción históricaHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...