Sa ilalim ng matarik na bangin ay isang ilog ang kailangan nilang tawirin. Hindi naman hamak na malalim ang nasabing ilog pero kapansin-pansin ang napakalakas na pag agos nito. Kung ang isang taong lampa ang mag dadahas na tawirin ang rumaragasang ilog ay di malayong tangayin ito ng tubig.
Kumuha si Jonthan ng isang napaka habang lubid sa kanilang sasakyan. Isang matibay at matabang lubid ang gagamitin nila sa kanilang pag tawid. Sapat na iyon para masabing ligtas ang kanilang binabalak.
Dahil sa panganib na kanilang haharapin ay naglakas loob nalamang ang tatlo na talaga na malampasan ang malakas na pag agos ng ilog pero halata naman kay Ynah ang paglambot ng kanyang tuhod. Ang malakas na ilog din yun ang kanilang una palamang pagsubok papunta sa abandunadong mansyon ng hasyenda Magdalena.
"Sa tingin ko ay mas magandang maiwan nalamang kaya ako dito." Duwag na pagwika ni Ynah. Lingid din sa kaalaman ng kanyang mga kaibigan ay takot rin ito sa matataas lalo pat kailangan pa nilang bumaba sa matarik ng bangin.
"Nahihibang ka na ba. Mas mapanganib kung maiiwan kang mag isa sa ganitong klaseng lugar." Sabi ni Dianna.
Napatingin nalamang si Ynah sa buong lugar. Sa lugar kung nasaan man sila ngayon. Tama ang kanyang kaibigan, hindi mapagkakailang nakakatakot at hindi malayong mapanganib nga na mag isa roon. Idagdag pa ang mga nakakatakot na hugis ng mga puno, mga kakatwang ingay na ginagawa ng kagubatan.
"Hindi lang dapat siya ang mag ingat." Dagdag ng binata sa mga kasamang babae. "Kinatatakutan ang lugar na ito. Sabi ng mga matatanda, sinumpa ang Hasyenda Magdalena. Maraming taong hindi na natagpuan pa na pumunta dito. Kung may isang lugar man dito sa bayan ang lubos na mapanganib ay wala nang iba kundi ang abandunadong Hasyenda Magdalena." Pinakitaan ng seryusong muka ni Jonathan ang tatlong dalaga na alam niyang natatakot na.
"Ngayong nandito na tayo ay sasabihin mo ang ganyang bagay. Ni hindi mo kami binalalaan!" may pagkainis na sabi ni Ynah kay Jonathan.
"Easy ka lang. Nagbibiro lang laman ako eh. Sa totoo lang eh hindi pa ako nakapunta dito at ngayon ko lang narinig na tungkol sa abandunadong Mansyon. Mabuti nalamang ay may kasama kayong lalake."
"Hindi nalang ako sasama. Sorry Kaycee pero babalik nalang siguro ako sa bahay. Ihatid nyo nalang muli ako sa bayan. Kahit ako nalang ang mag isang bumalik kila Tiya Sandra." Sabi ni Ynah.
"Ynah, ngayong nandito na tayo. Marami na tayong pinagdaanan sa sinimulan natin, eh ngayon ka pa aatras? Ano pa ang silbi ng lahat ng pinaghirapan natin kung hindi natin wawakasan. Tayo nagsimula nito at tayo rin ang magwawakas. Lahat ng ito ay tungkol sa misteryo ng babae sa Balete drive. Hindi lamang ito isang kwento, isa itong kapiraso ng kasaysayan na handang maihayag sa marami" sabi ni Dianna.
Namangha ang si Kaycee sa sinabi ni Dianna. Ang pagkakilala lamang niya kasi dito ay hindi seryuso at binabale wala lamang niya ang kanilang ginagawang proyekto. Pero heto, kakaibang Dianna na ang kanyang harapan. Naglalaro tuloy sa isip ni Kaycee kung may bagay bang nagbibigay ng lakas sa kanyang kaibigan upang masabi ang mga ganung kataga.
Dahan-dahan lumapit si Kaycee at nilapitan si Ynah. "Kung ano ang nararamdaman mo ay ganun din kami."
Naalala ni Ynah ang lahat. Ang kanilang unang nasimulan sa Maynila bilang isang grupo at hinahanapan ng kasagutan ang tanong na sila mismo gumawa. Na ngayon, nakatapak na sila sa malaking sagot na yun. Ilang hakbang nalamang patungo sa kasagutan. Naalala niya ang nabubuong pagkakaibigan nila. Tama si Dianna na sila ang nag simula nito at sila rin ang siyang tatapus.
Dahan-dahan napatingin si Ynah sa kanyang mga kaibigan. "O-oo handa ako. Hindi nawala ang tiwala ako" isang ngiti ang kanyang pinakawala kasabay ang mainit na yakap sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Historical FictionHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...