"Mahal rin kita. Tutupad ako sa kasunduan natin"
Tandang tanda pa ni Fidel ang huling sinabi sa kanya ni Elena nung gabi bago sila magkahiwalay. Hindi parin nawawala sa kanyang isip ang kanilang kasundoan na magsasama na habang buhay.
Ngayong gabi ay tutuparin na nila ang nakatadhana para sa kanilang dalawa. Kahit sapilitan, uunahan na nila ang panahon. Naniniwala kasi silang dalawa na sila talaga ang magsasama hanggang sa walang hanggan.
"Oh Elena asan ka na."
Mag isang naghihintay lamang si Fidel sa gilid ng malawak na ilog. Nakahanda na ang kanilang bangka na kanilang sasakyan, punong puno iyon ng mga gamit na kanilang kakailangin sa pag takas. Ang ilog na iyon ay nagdurogtong mula sa Hasyenda hanggang sa pinaka dulong bayan ng Camarines Sur. Kung tatanungin ang binata ay kahit siya ay wala rin siyang idea kung saan sila dadalhil ng tadhana. Aasa nalamang sila sa panginoon. Basta ang mahalaga ay magkasama na sila.
Ngunit lumipas na mahigit isang oras ay wala parin ang sensyorita sa kanilang tagpuan. Maraming oras nang lumipas sa napagkasunduan nilang oras ay hindi pa niya nakikita si Elena.
Dumadampi sa kanya ang malamig na hangin na nanggagaling sa ilog. Tumingala siya sa kalangitan. Kitang-kita ang bilog na bilog na buwan. Ang buwan narin na iyon ang nagbibigay ng liwanag sa gabing iyon na makikita rin ang refleksyon nito sa malinaw na tubig.
Huminga si Fidel ng napakalalim. "Oh sana tumupad ka sa ating sumpaan. Naway hindi magbago ang iyong isip." Pilit parin niyang pinapatatag ang kanyang pag asa na susundin ni Elena ang kanilang matibay na sumpaan para sa kanilang dalawa.
Maraming minuto pa ang nasayang nang may narinig siyang kaluskos ng damo na papalapit sa kanyang kinaroroonan. "E-Elena, aking irog, ikaw na ba iyan!?" bulong ni Fidel sa malamig na hangin.
Walang sumagot ngunit may lumabas na aso. Lumalon ito sa nagtataasang damohan. Tumakbo ito papalapit sa kanya.
"Bagani!" masayang napasigaw ang binata.
"ARRRF!" bati naman ng aso.
Dito na nabuhayan ang kanyang damdamin. Alam niyang kasama nito ang kanyang amo na si Elena. Masaya siya dahil tumupad ito sa kanilang napag usapan. Napayakap siya sa aso na may ngiti sa kanyang mga labi. "Asan na ang senyorita nyo? Kasama mo ba siya, Bagani?"
Dahan-dahan lumongkot ang mukha ni bagani.
Dumaan ang isang maliit na kalesa. Natanaw ni Fidel kung sino ang dalawang babae ang bumaba mula roon. Ang Tiyahin ni Elena na si Tiya Paloma at ang kasambahay ng mga Hernandez na si Martha. Dalawa silang papunta sa gilid ng ilog kung nasaan sila Bagani at Fidel.
"T-tiya Paloma?" gulat at pagtataka niya. Unang naramdaman niya ay Kaba. Asan si Elena? Paanong nalaman nila itong lihim nilang tagpuan.
"Fidel, paunmanhin mo kung hindi mo na makikita si Elena."
"Huh? B-bakit po? anong nangyari sa kanya?"
"Inamin niya sa amin ang inyong pagtatanan ngayong gabi. Fidel kahit sinong tanungin nyo sa inyong binabalak ay tututol kasama na ako roon dahil pamangkin ko siya at siya lamang ang nag iisang senyorita ng Hasyenda. Hindi rin makakabuti kung magsasama na kayo dahil hindi pa wasto ang inyong mga kaisipan para mag desisyon ng ganitong mga bagay." Paliwanag ni Paloma.
"Ngunit nagmamahal po kami ng totoo. Alam ko po na magiging masaya kami para sa isat isa. Si Elena lamang ang aking iibigin habang buhay."
"Oo alam ko. Alam ko rin ang nararamdaman ni Elena sa iyo. Nakikita ko lamang siyang tunay na maligaya oras na nababanggit niya ang iyong pangalan. Ikaw lang din Fidel ang dahilan ng kanyang pagluha dahil sa kadahilanan na magkakahiwalay na kayo. Natatakot siya na dumating ang panahon na hindi na kayo magkita pa." wika ni Paloma.
"Fidel, huwag ka mangamba sa amin dahil kaming dalawa lamang sa loob ng Mansyon ang nakaka unawa sa sitwasyon ninyong dalawa." Sabi ni Martha.
Napatahimik ngunit una nang umiyak ang puso ni Fidel nang malamang hindi ito makakapunta sa kanilang napagkasunduan na binabalak.
"Pagkatapus nitong bakasyon ay paaaralin na si Elena sa Maynila. Malayo dito sa Hasyenda. Saaming dalawa ni Yaya Martha ay inamin niya ang inyong binabalak na pagtatanan. Buong gabi siyang umiyak nang dahil sa iyo Fidel, umiyak siya dahil susundin niya ang kagustohan ng kanyang ama na magkalayo kayo. At iyon naman ay makakabuti para sa kanya."
"Sa Maynila?" gulat na nasabi ni Fidel.
"Oo sa Maynila na siya magtutungo, doon na siya mag kukulehiyo. Fidel, naiintindihan ko rin ang iyong nararamdaman sa kasalukoyan ngayon. Alam kong masakit itong malaman pero kung mahal mo talaga si Elena ay magagawa mong maghintay sa kanya, yung hihintayin mo ang tamang panahon na para sa inyo. Sadya pa talagang maaga para sa tunay ninyong pagmamahalan. Maraming pang mangyayari hindi lang para sa kinabukasan ni Elena kundi para sa lahat." Sabi ni Yaya Martha. Lumapit ito sa binata, binigay ang isang kapirasong papel.
"Bago kami pumuta rito sa inyong lihim na tagpuan ay gumawa siya ng liham. Hindi na siya makakaputa ngayon, iabot nalamang daw namin sa iyo ito oras na makita namin. Alam kasi niyang naghihintay ka sa kanya ngayon." Malumanay na sabi ni Paloma.
"Opo, naiintindihan ko naman ang kanyang desisyon. Tama na langit siya at lupa lamang ako. Malayo nga ang estado ng buhay namin ngunit itong puso ay magkakunektado sa kanya." Wika ni Fidel na gusto na niyang magwala.
"Fidel, kahit ako ay wala rin magawa. Kahit kay Elena ay nahihirapan rin ako pag nakikita ko nalamang siyang palaging malungkot sa aming Mansyon. Buksan mo ang iyong isip hindi lang puro puso. Hindi nyo pa kasi inaalala ang kinabukasan na para sa inyo. Kakampi mo kami sa pagmamahal ng aming senyorita. Huwag kang mag-alala dahil itong pag uusap natin ay hindi malalaman ng iba pang tiga Mansyon." Wika ni Paloma.
Pinunasan ni Fidel ang maraming luha na umaagos sa kanyang mata. Basang basa narin ang kanyang mukha dahil sa matagal na pag iyak.
Hinawakan ni Paloma ang balikat ng binata. "Kahit mabigat ay kailangan tanggapin. Lahat ng sakit na nararamdaman nyo ni Elena ay may kalakip na sayang hindi mapapantayan sa kahit anong yaman dito sa mundo. Ang magagawa nyo nalamang ay mag hintay." Ito ang mga huling sinabi ni Paloma.
Nang makasakay na muli sila Tiya Paloma at Yaya Martha sa maliit na kalesa ay naiwan muling nag iisa si Fidel. Kasing dami ng tubig na umaagos sa ilog ang kanyang pinakawala sa mata. Kulang pa iyon sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ang katotohanang hindi na niya maaring makita pa ang kaisa-isang babae na bumuhay sa kanyang pag-ibig.
"Elena....." hinagpis ni Fidel yakap yakap ang kapirasong liham. Tunay ang sinabi sa kanya ni Tiya Paloma na wala na silang magagawa pa.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Narrativa StoricaHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...