Chapter 31: Ang paglisan ni Elena sa Camarines Sur

475 14 2
                                    


Nang matapus na ang mahabang bakasyon ay napalitan na iyon ng maulan na buwan ng Hulyo. Ang mga nauuhaw na mga bulaklak sa paligid ng mansyon ay masayang sinisipsip ang malamig na ambon na nagmumula sa kalangitan. Ang mga araw na iyon ay aasahang nang palaging maulan.

Malamig ang umagang iyon nang nakadungaw lamang si Elena sa kanyang bintana. Iyun din ang bintanang pinasukan ni Fidel nang mang iwan sila ng sumpaan para sa kanilang isat-isa ngunit ang nasabing sumpaan ay naudlot na sa kadahilanang kailangan na niyang mag kulehiyo sa Maynila. Sinasariwa nalamang niya sa kanyang ala-ala ang mga sandali ng kanilang pagkikita.

May kirot man sa kanyang puso ay masaya na niyang malaman kung mabasa man ng kanyang sinta ang munting liham na kanyang ginawa. "Naway maintindiha mo Fidel ang lahat" malungkot niyang bulong.

Naka ayus na siya ng magandang damit na pang alis. Iyon din ang madalas niyang suotin oras na nagsisimba sila ng kanyang ina na si Donya Crisitina. Karamihan din naman kasi sa kanyang mga kasuotan ay kulay puti. Heto na marahil ang kanyang pinaka paboritong kulay. Kung anong puti ng kanyang dami ay napaka itim naman ng kanyang mahabang buhok. Pantay na pantay ang bawat hibla nito dahil maingat na sinusuklayan ni Yaya Martha ang kanyang madulas ng buhok.

Naka ayus narin lahat ng kanyang bagahe. Sa tuwing makikita ni Elena ang mga ito ay hindi parin niya matanggap na ito na ang huling araw niya sa Hasyenda. Alam niyang maraming panahon siyang mamamalagi sa Maynila upang roon ay mag aral.

Sa bintana ay natatanaw niya ang isang magarang Karwahe na magdadala sa kanya sa pinaka dulong bayan, roon ay sasakay sila ng tren.

Napatingin nalamang siya sa kanyang alagang aso. "Bagani, ngayon ay aalis na tayo rito sa Hasyenda." Malungkot nitong sabi.

Hindi talaga lubos akalain ni Elena na magkakahiwalay na sila ni Fidel. Ngayon ay lalayo na siya sa kanyang bayan na kanyang kinalakihan at mamamalagi sa lugar na ni kailan ay hindi pa niya napupuntahan. Tanging sa mga usap-usapan nalamang ng kanyang ama at ni Don Manuel kung gaano ba kaganda ang syudad ng Maynila. Hindi parin mawala sa kanyang dibdib ang matinding lungkot. Nang mga umagang iyon ay kulay abo parin ang kalangitan. Ni walang mga ibon na pwedeng maglaro sa bawat sanga ng mga puno. Kakaiba ang umagang iyon para kay Elena. Isang umiiyak na umaga.

"Senyorita Elena, Handa na po ang Karwahe na maghahatid satin sa station ng tren." Wika ni Yaya Martha na tulad ni Elena ay nakapangbihis rin ito ng pang alis. Pinaghabilin kasi nila Don Alfredo at ni Donya Christina na samahan ang kanilang anak oras na napag aral na ito roon.

Walang salitang napatakbo nalamang ang Senyorita sa kanyang Yaya. Nagbigay ito ng isang mahigpit na yakap. Yakap ng isang batang mangungulila na may halong takot at kaba.

"Huwag ka nang umiyak. At hindi naman ito ang huling pagkakataon na makakatapak ka sa Hasyenda. Pagkatapus mo roon ng pag aaral ay muli ka nang makakabalik rito. Kasama mo ako roon kaya wala ka dapat ipangamba."

"Marami na po akong maiiwan na magagandang ala-ala dito sa Camarines. Lalo sa mga sandali na kasama ko pa si Fidel. Yaya, alam nyo naman po ang aking nararamdaman."

"Kakayanin mo ito lahat alang alang lamang sa inyong pagmamahalan nyo ng lalakeng iyong sinisinta." Paliwanag naman ni Martha.

"Opo pangangawakan ko nalang ang aming binuong pagmamahal rito. Sanay mabasa na ni Fidel ang aking ginawang lihan sa kanya. Ang aking munting panliwanag ay naway maunawaan niya. Maiintindihan niya iyon alang alang sa aming sumpaan." Nasabi nalang ni Elena.

Ang kaninang mahinang ambon ay tuluyan nang naging ulan. Hindi naman malakas ang pagbuhos ng ulan na ito ngunit sapat na upang mabasa na ang lahat ng mga taohan ng Masyon na nag aabang sa labas ng kanilang Senyorita. Roon ay nag aabang narin ang napaka garang Karwahe na sasakyan nito. Mabuti nalamang ay lahat sila ay may hawak na payong bilang panangga sa bumubuhos na ulan.

In Loving Memory  Of Maria Elena Garchitorena Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon