Chapter 25: Ang mga Bandido

1K 28 0
                                    

Camarines Sur. 1959

Tunay ngang tanyag ang malawak na lupain ng Hasyenda Magdalena. Sa pinaka dulong parte ng lupain ay naroon ang mansyon ng pinaka mayaman at pinaka makapangyarihang pamilya sa Camarines Sur, ang pamilya Hernandez.

Hindi maipaliwanag ang malaking paggalang ng mga tao sa angkan ng mga Hernandez ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay may isang napakalaking sikretong tinatago ang mga Hernandez. Sikretong tinago sa matagal na panahon na malapit nang malaman ng marami na ikakagulat ng mga taong bayan. Isang sikreto na maihahalintulad sa dugo at kadiliman ng gabi.

Ika nga ng mga matatanda ay lahat ng pamilya ay may tinatagong lihim.

"Napakasama nila!" bigla nalamang nasabi ito ni Fidel. Galit na galit niyang tinaga ang malaking tubo na kanilang inaani. Sa ganung paraan ay nailalabas nalamang niya ang kanyang galit laban sa pamilya ng kanyang minamahal na si Elena.

"Fidel, mag hinayhinay ka naman diyan. Eh baka ikaw pa ang masugatan sa gingawa mo." Sabi sa kanya ni Paciano na tulad din niya ay nagpuputol ng matamis na tubo na gagawing asukal. Pinipili nilang putulin ang mga magulang at matabang tubo. Napaka tirik ng araw kaya balot narin sila ng makakapal na tela gayon din ang kanilang mga mukha upang proteksyon narin sa makakating dahol nito.

"Hindi ko parin lubos akalain na ganun ang pagpapalaki nila kay Elena. Napaka subra kung totousin ng kanilang pagpapalaki sa kanya. Halos tanggalan na siya ng sariling kalayaan. Para saken hindi makatarungan iyon."

Umiling iling nalamang si Paciano. "Ikaw naman kasi kung umibig ka eh halos halikan mo na ang langit. Humanap ka naman kasi ng kapantay ng estado mo. Saka aminin nalang kasi natin na mababang uri ng tao lang tayo dito sa Magdalena. At yung iniibig mo, jus ko langit at lupa ang inyong pagitan."

Hinataw ni Fidel ang matalim na itak sa malaking tubong kanyang hawak. "Paciano, ang pagibig ay walang pinipiling tao,edad, panahon, at lalo na ang estado. Oo siya ang anak ni Don Alfredo pero wala na ba ako karapatan kay Elena? Kilala ko ang sarili ko. Alam kong di ako makakasama sa kanya."

"Naku kahit anong paliwanag mo eh malinaw naman sa ating mga kanayon na napakalayo ng uri ng pamumuhay nyo. Mahihirapan lamang si Elena kung kayo ang magsasama. Lumaki si Elena sa yaman ng kanyang mga magulang. Sagana sa lahat ng pangangailangan. Tigilan mo nalang kasi ang makipagkita pa sa Señorita. Baka ikaw din kasi ang mapahamak."

Tumingin ng masama si Fidel sa kanyang kaibigan. "Nagkakamali ka. Dahil kami ang nararapat sa isat isa. ako at si Elena ay nagmamahalan ng totoo. Mahal namin ang isat isa. at papatunayan ko sa inyo na magiging maligaya kami. Ipaglalaban ko ang pagiibigan namin kahit harangan man ako ng matulis na sibat. Makasama lamang siya." Madiin na sabi ni Fidel sabay malakas niyang tinaga muli ang maraming tubo sa paligid.

Humawak si Paciano sa balikat ni Fidel. "Heto na lamang ang iyong tandaan. Sanay mag ingat ka. Kilala naman natin si Don Alfredo, kung may gusto siya ay makukuha niya at kung ayaw naman niya....."

"Bakit, ano ang kaya nilang gawin?"

"Mahirap maging kalaban ang mga Hernandez. Alam mo na kung ano ang kaya nilang gawin gamit ang kanilang kapangyarihan at yaman. Delkado silang makabangga. Akoy kaibigan mo na nagpapayo lamang sa iyo. Ayaw ko rin na mapahamak ka. Tandaan mo langit sya at putik ka." pabulong ni Paciano upang hindi marinig ng mga iba pang trabahadong na nag aani rin ng tubo na may makakating dahon.

Napahinto nalamang si Fidel sa kanyang pag gapas. Sinariwa niya ang mga huling sandali na magkasama sila ni Elena. Ang noong pagkakataon na nahuli sila ng mga sundalo sa Mansyon. Hindi nga mabura sa kanyang isipan kung paano sila pinaghiwalay nung araw na iyon. Pakiramdam niya ay para lamang siyang putik dahil sa napaka baba ng kanyang estado. Tama rin ang sinabi ng kanyang kaibigan na mahirap kalabanin ang pamilya Hernandez ngunit umaalab parin sa puso ni Fidel ang kanyang pagmamahal sa Señorita. Kung si Fidel ang tatanungin ay mas gugustohin nalamang niyang masaktan ang physikal na katawan keysa masaktan pa lalo ang kanyang damdamin, mas masakit iyon kasi at kakailanganin ng matagal na panahon upang maghilom.

In Loving Memory  Of Maria Elena Garchitorena Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon