Kilala si Attorney Dima sa pagiging abugado. Mula sa Maynila ay inabot ng 7 oras ang kanyang byahe. Mabuti nalamang ay mabilis ang tren ng kanyang sinakyan mula Manila hanggang bicol. Hanggang sa probinsya ng camarines sur ay sumakay naman siya ng karwahe papunta mismo sa Mansyon ng Hernandez.
Hawak ngayon ni Attorney Dima ang isang napakahalagang Documento na siyang huling testamento ng huling naiwan na Don. Ang testamentong iyon ang makakapagsabi kung sino ang susunod na magiging may ari ng napaka lawak na Hasyenda at kanina rin mapupunta lahat ng naiwang yaman nito.
Matangkad at moreno ang pisiskal na kaanyuan ng nasabing Attorney. Halatang galing ito sa mayamang pamilya kaya naman nakapag aral din ito ng abugasya sa pinaka tanyag na skwelahan sa Maynila, ang Santo Tomas. Pagdating palang ng karwahe ay tapat ng malaking bahay ng mga Hernandez ay sinalubong agad siya ni Simoun. Sila Yaya Martha naman ay inalalayan at kinuha ang bagahe nito. Hindi mabigat ang dalagang bagahe ni Ferrer dahil ang laman lamang nito ay tatlong pirasong papel na kung saan mababasa ang huling testamento.
Hapon palamang ng mga oras na iyon. at si Elena ay abala sa kanyang pagpinta. Dahil sa hindi parin nawawala ang kanyang dalamhati sa pagkawala ng knayang ama ay ginusto niyang ipinto iyon gamit lamang ang uling. Halos madumihan ang kamay niya dahil sa kanina pa siya nag pipinta. Nang biglang narinig niyang tumatahol nanaman ang aso niyang si Bagani. Marahil ay bumisita nanaman sa kanila si Don Manuel. Kaugalian kasi ng aso ni Elena ang taholan si Manuel kapag bumibisita ito.
"Senyorita Elena. May mahalaga pong pana uhin sa sala. Lahat po ay naroon at kayo nalamang po ang hinihintay" wika ni Martha.
Doon napahinto sa ginagawa si Elena. Mabilis niyang hinugasan ang kanyang kamay at nagpalit ng damit. Kulay puting damit dahil iyon lagi ang kanyang nakasanayan na suotin.
#
"Magandang hapon sa inyong lahat ako si Attorney Dima. Ako ang nakausap ni Don Alfredo para sa kanyang huling testamento. Babasahin ko po ito isa-isa."
Hindi mawawala sa pag titipun na si Donya Cristina. Sa lahat ng mga taong naroon ay siya ang higit na umaasang mapupunta ang lahat ng yaman dahil siya mismo ang asawa nito. Hindi pwedeng mapunta lamang yun sa iba. Syempre hindi rin ito makakapayag na wala siya siyang pursyento na matatanggap sa lahat ng yaman.
Si Tiya Paloma at Victoria ay tahimik na naka upo, halata rin naman sila ay kinakabahan. Nakatayo lamang si Simoun habang nakadungaw sa bintana. Nilalanghap ang kanyang matabang tabacco. Sa wakas at dumating na kasi ang kanilang hinihintay. Ang pinaka mahalagang documento. At sinimulan nang basahin ni Dima ang nakalagda, unti-unti at dalahan-dahan, sapat upang marinig ito ng lahat ng mga nasa mansyon.
Ako si Alfredo Hernandez. sa mga sandaling ito ay alam kong malapit na akong pumanaw. Sa aking pagkawala ay hindi ko maidadala ang aking yaman sa ikalawang buhay. Hindi ko hahayaan mawala narin at mamatay ang mga naiwan kong kayaman lalo na ang aking negosyo. Ihahabilin ko ang ilan sa mga yun sa mga sumunsunod:
Ang Ilang negosyo ko sa labas ng Magdalena ay Hinahabilin ko sa aking bunsong kapatid na si Paloma, Lahat narin ng transaksyon ay sa kaya na mang gagaling.
Ang lahat ng aking armas ay mapupunta naman kay Simoun, Siya narin ang ma mamahala sa sekuridad ng itong mansyon.
Ang rancho ko naman ay mapupunta kay Victoria. Siya ang mamamahala sa mga alagang kabayo at baka roon.
Mahagyang napatigil s Dima sa pag babasa, Humigop muna ito ng kape at tinignan isa-isa lahat ng mga naruoon. Kahit siya ay naramdam din ng kakaibang kaba. Dahil ang susunod niyang sasabihin ang maaring may malaking pagbabago sa Camarines Sur. "At narito na po ang huling testamento ni Don Alfredo para sa inyong lahat" at pinagpatuloy ni Dima ang pagbabasa
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Tarihi KurguHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...