Chapter 40: Dianna

209 10 0
                                    

Walong oras ang byahe sa Naga mula sa Maynila. At pagkatapus nilang makarating sa Naga ay sasakay muli sila sa panibagong Bus papunta naman sa Caramoan, doon ay may apat na oras nanaman silang byahe. Sa tagal ng oras ay hindi maiwasan ni Kaycee ang sobrang mainip habang nakadungaw siya sa bintana. Tanaw na tanaw niya ang mga naglalakihang bundok ng luguna. Marami sa mga kapatagan ay niyog at palay ang nakatanim dito. Marami na silang nadaanang mga bayan.

"Grabe naman nakakatakot yung palabas sa TV oh." Wika ni Ynah. Seryuso siyang pinapanuod ang pelikulang pinapalabas sa loob ng Bus. Kitang kita niya kung paano hinahabol ng Killer ang babeng bida sa gitna ng gubat.

"Naku hindi ka dapat matakot. Pelikula lang iyan. Palabas lang. Ang matakot ka eh sa nangyayari sa realidad." Sabi ni Kaycee.

"Kung sa bagay tama ka." Lumingon si Ynah sa kanyang katabi. "Kaycee, kung iisipin mo noh. Ngayon palang malalaman ang magiging buhay ng white lady ng balete drive. At tayong tatlo ang kauna-unahang makakatuklas nun."

"Marami pa dapat tayong tuklasin lalo na kay Elena at sa pag iibigan nila ni Fidel. Isang naudlot na tunay na pag ibig."

"Tama ka. Kung totoo man ang lahat ng naikwento saten ni Nanay Martha. Isang paraan lang para malaman natin ang katotohanan sa likod ng mga kwento ni Nanay Martha. Ang puntahan mismo ang pinagmulan ng ito." Pahayag ni Ynah.

Muling dumongaw nalamang si Kaycee sa katabing bintana.

#

Puno ng sigla ang tahanan ni Tiya Sandra nang makarating ang tatlo. Sadya ngang napakalayo ng naging byahe nila kaya naman hindi maipinta sa kanilang mukha ang pagkahilo at bugbug na katawan. Napawi naman agad iyon dahil sa masasarap na putaheng inihanda sa kanila ng Tiya ni Kaycee.

"Mabuti't naging maayus ang pagpunta nyo rito. Malayo ang Maynila kaya mabuti pa ay mag tanghalian narin kayo." Paanyaya ni Sandra sa tatlong dalaga na nakaupo sa mahabang sofa na gawa lamang sa kawayan.

Malaki ang mga bahay sa probinsya. Karamihan dito ay sadya talagang gawa lamang sa matitigas na kahoy at ang bubong naman ay yari sa magandang klaseng kugon. Sumunod narin sa agos ng panahon ang bayan ng Caramoan, kahit sabihing simple ang pagkakayari ng mga tahanan roon ay may mga makikita paring bahid ng teknolohiya tulad ng telebisyon, refrigirator, electric fan at marami pa.

"Sige po. tamang tama nga po. Gutom na gutom na kami!" mabilis na sabi ni Dianna. Siya ang unang tumayo upang magtungo sa harapan ng lamesa kung saan ay makikita ang napakaraming pagkain.

"Kamusta na pala kayo ng iyong Mama sa Maynila" Ito ang unang tanong ni Sandra kay Kaycee habang sila ay masarap na nag sasalo salo. Minabuting kamustahin narin niya ang mga ibang kaanak sa malalayong bayan.

"Maayus naman po Tiya. Kami lang po ang palaging magkasama ni Mama sa bahay. Si Papa ay palaging gabi nalamang umuuwi galing sa trabaho." Sagot ni Kaycee.

"Napakalayo dito sa Caramoan. Mabuti at naisipan mong bumisita dito. Ang tanda ko kasi ay maliit ka pa nung huli kang nagbakasyon rito."

"May kailangan lang po kasi kami asikasuhin sa ibang bayan. Dito po kasi yung alam kong malapit para may mauwian kami agad. Sa ganun po ay magiging ligtas narin kami." Pinakilala ni Kaycee ang kanyang mga katabi. "Tiya Sandra, sila po pala yung mga kaklase ko sa paaralan namin. Si Ynah at Dianna."

Sunod nun ay nagbigay ng matamis na ngiti ang dalawa.

"Wow Dianna, ang ganda pala ng pangalan mo!?" sabat agad ni Jonathan. Si Jonatahan ang pinsan ni Kaycee na hindi malayo sa edad nilang tatlo. Simula pagkabata ay kilala na ni Kaycee ang kanyang pinsan bilang maluko lalo na sa mga magagandang dilag tulad ni Dianna.

In Loving Memory  Of Maria Elena Garchitorena Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon