a oras na iyon at hindi pa sumisilip ang haring araw. Ngayong araw na kasi nila pupuntahan ang abandunadong mansyon sa Camarines Sur. Mahigit magiging dalawang oras ang kanilang byahe kaya nararapat muna na kumain sila ng maraming almusal.
Bago umalis ay pinaghanda ang tatlo ni Tiya Sandra ng masarap ng almusal. Sinangag, itlog na maalat samahan pa ng makatas na kamatis, at dinaing na dilis. Bagay na bagay samahan pa ng mainit na kapeng barako ng Quezon. Doon palang ay masasabi nang kumpleto na ang kanilang araw.
Si Jonathan ang magsisilbing driver nila papuntang Garchitorena. Gagamitin nila ang lumang owner type jeep. May kalumaan nga ang sasakyan ngunit magiging napakamahalaga iyon sa kanilang paglalakbay. Habang nag aalmusal ang tatlong dalaga ay kinondisyon na ni Jonathan ang makina. Nilagyan na niya ng gasolina, langis, at karagdagang tubig.
"Sige po Tita kami po ay aalis na, pag sapit po ng gabi ay makakabalik na agad kami dito." Wika ni Kaycee upang mag paalam na.
Si Ynah naman ay hindi maipinta ang pananabik sa kanilang pupuntahan. Wala nang kinalaman sa ginagawa nilang thesis ang kanilang iimbestigahan ngunit isang malaking parte ng kasaysayan ang kanilang malalaman pag punta sa Hasyenda Magdalena. "Salamat po Tita sa Almusal, marami po akong nakain kanina." Sabi niya. Kinaskas niya ang dalawang palad upang makadama siya ng kaunting init. Pinilit niyang labanan ang lamig.
SI Dianna ay naghanap ng pinaka kumportableng puwesto. Wala siyang naging sapat na tulog ka gabi. Marami parin siyang iniiisp ngunit sa kanyang pagkakaupo ay nakikita niya sa driver's mirror ang nakaka pamungay na mata ng binata, bagay na nagpapangiti narin sa kanya. Lumanghap siya ng sariwang hangin at nilagay nalang niya iyon sa dibdib.
"Sige po Nay, ako na bahala kila Insan. Agad po kaming kokontact kung nasaan na kami." May mararamdamang patak ng ambon. Isang sinyales na pwedeng magbadya ang panahon. Pero hindi yun naging dahilan upang balakid sa kanilang pag alis. Buo
"Sige mag ingat kayo sa inyong magiging lakad" paalam nalamang ni Tiya Sandra.
Pinihit na ni Jonathan ang susi kasunod ang pag buhay sa maingay na makina. Bumuga ng maitim na usok ang sasakyan hanggang sa tuluyan na itong umandar papalayo. Papunta sa Garchitorena, ang lugar kung saan nagsimula ang alamat ni Elena at ang immortal na pag iibigan nilang dalawa ni Fidel.
Upang matuldukan narin ang maraming katanungan tungkol sa nakaraan.
#
Isang oras mahigit narin ang kanilang nalakbay.
"Oh bakit tayo tumigil?" nasabi nalamang ni Dianna.
"May problema tayo" –Jonathan.
Isa-isa silang bumaba ng kotse upang makita kung ano ang problema sa kalsadang kanilang dinaraanan. Sa una ay wala silang makita sa dulo sa kalsada dahil sa napakahamog ng mga oras na iyon. Dumaan kasi kanina ang ang malakas na ulan habang bumabyahe sila pa Camarines. Nasa bayan na sila ng Garchitorena nang unti-unting nabago ang panahon.
Nag aagaw palang ang liwanag at dilim nang madaling araw. Magbubukang liway liway palang at nananatili parin ang napaka lamig na panahon. Kulay asul ang makikita sa buong paligid samahan pa ng makapal na ulap. Tumingin-tingin sila sa buong paligid.
"Nasaan na tayo?" tanong ni Dianna.
"Andito tayo sa pinakadulong bahagi ng Camarines kung nasaan ang dating mansyon." Mahinang salita ni Jonathan. Kasi siya ay pinapakiramdaman niya ang paligid. Kinukutoban lalo pa at nakakatakot parin ang kaunting liwanang sa oras na yun.
Lalong niyakap ni Ynah ang kanyang sarili. "Marahil ay tama ka Jonathan. Tiyak akong hindi narin ito dinaraanan ng tao."
Napakatahimik ng buong lugar. Napuputikan ang kanilang sapatos sa bawat hakbang na kanilang ginagawa. Bumabakat pa ang bawat pag tapak dahil basa parin ang lupa. Si Kayce naman ay hindi maipinta ang kilabot sa kanyang katawan. Alam nilang malapit na sila sa kanilang hinahanap.

BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Historical FictionHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...