Manila 2003....
"Mah pwede po ba kita makausap?" seryusong tanong ni Kaycee sa kanyang ina na si Mrs. Gina na kasalukuyang nag aayus ng dekorasyon ng bahay. Tumutulong naman siyang isabit ang mga makukulay na palamuting malilit na parol.
"Bakit anak. Ano ba iyon?"
Hindi agad siya nakapag salita.
"May naging problema ba sa inyong thesis. Anak, baka may matulungan ka namin ng iyong papa kung nahihirapan ka sa iyong pag aaral. Basta kung may problema ka ay agad mong sabihin saamin. Lalo na kung tungkol iyon sa eskwela."
Yun nga, Hindi nakapasa sila Kaycee sa kanilang ginawag thesis tungkol sa white lady ng Balete Drive. Naging kulang pa ang kanilang nakuhang impormasyon dito. At ang pinaka masama pa nito ay hindi niya masabi na bumaksak sila sa kanilang ginagawang research. Wala pa siyang lakas ng loob upang ilahad iyon sa kanyang mga magulang. Marami pang bagay ang gumugulo sa kanyang isipan.
Huminga muna si Kaycee bago nagsalita. "Malapit na po namin matapus iyon Mah," pag sisinungaling niya. "Kaya lang po ay may isa pa kaming kailangan gawin. Para mabuo ang aming pinag aaralan ay pupunta kami sa probinsyang iyon."
"P-pero malayo ang Camarines Sur mula dito sa Maynila. Baka mahirapan ka."
Nakaisip agad ng sulusyon ang dalaga. "Opo pero tinawagan ko na po si Tiya Sandra sa cellphone. Ok po sa kanila na dun muna kami mag stay. Saka po malaki naman po ang kanilang bahay sa Caramoan. Ilang oras nalang din iyong byahe papuntang Garchitorena doon kaya hindi na kami mahihirapan sa byahe."
Tumitig muna ang kanyang ina sa kalendaryo bago sumang ayon. "Sige. Alam kong magiging maayus kayo dun sa Tita Sandra mo. Isa pa para makasama mo narin ung mga pinsan mo, matagal narin kayong hindi nagkikita. Maganda narin iyon upang makapag bakasyon ka naman."
Agad natuwa si Kaycee sa pag sang ayun ng kanyang ina. Niyakap niya ito at humalik sa pisngi. "Maraming salamat po Mah. Pangako isang lingo lang po ako dun at babalik ako agad." Hindi lang simpleng yakap ang binigay ni Kaycee sa kanyang ina nang oras na iyon. Isang mainit at mahigpit na yakap na parang hindi na makawala.
Naramdaman iyon ng kanyang ina. "Kaycee anak, alam kong may malalim kang pinag dadaanan. Gusto kong malaman mo na andito lang kami ng Papa mo. Nararamdaman ko iyon Kaycee dahil anak kita. Kung ano man iyang lungkot na nabubuhay sa iyo ay magpakatatag ka at wag kang mawalan ng pag asang mag dasal sa Panginoon. Magiging maayus din ang lahat." Yumakap din ang kanyang ina nang mahigpit.
Sa narinig nya mula sa magulang ay kaunting lumuwag ang kanyang pakiramdam. Tama, hindi dapat siya mawalan ng pag asa. May pamilya siyang magiging kakampi. At nang tagpong iyon ay may isang lalake ang naisip niya, walang iba kundi si Adrian.
"Mag iingat ka sa iyong lakad."
#
Tatlong araw bago ang byahe nila Kaycee at Ynah papuntang Camarines Sur ay nakahanda na lahat ng kanilang gagamitin. Tatlong malaking bag ang magiging dala niya sa kanilang pag alis. Maaga palamang ay bumili na sila ng ticket sa Terminal ng bus sa Cubao papuntang Naga.
Buo na ang loob niya na puntahan ang malayong lugar kung saan umikot ang kwento tungkol kay Elena. Si Elena na kinilalang white lady ng Balete drive. Wala na itong kinalaman sa ginagawa nilang thesis ngunit alam ni Kaycee na hindi ito simpleng pag lalakbay papunta sa kinalakihan ni Elena. Ito rin ang pag hugot din ng kanyang mga pinag daraanan hindi lang sa kanyang mga problema kundi para sa ikakatahimik narin ng kaluluwa ng ni Elena.
Kung may pagkakahalintulad man sila ni Elena ay hindi lang iyon sa kanilang pang labas na kaanyuan. Kundi, sa kanilang damdamin bilang taong nagmamahal. Tama, napaka kumplikado ang umibig. At mas mahirap iyon kung hanggang sa kamatayan ay pangangawakan iyon tulad sa nangyari kila Elena at Fidel.
Nasabi niya sa kanyang sarili noon na may Kulang sa kwento nila Elena at Fidel. Napahirap kasing paniwalaan na ganun nalamang kadali para kay Elena ang magpakasal sa taong ni hindi man niya tunay na minamahal. Kung ano man ang kulang sa kwento ay personal na niyang hahanapan ng sagot. Pupunta siya sa lugar kung saan nagmula ang lahat.
Dumating ang petsa ng kanilang pag alis. Madaling araw palang ay nasa Cubao na si Kaycee. Dala ang tatlong malalaking bag. Kinuha niya ang cellphone upang tignan kung may text massage na kay Ynah. Pero wala pa siyang natatanggap na mensahe. Di bale, alas kwatro palamang ng madaling araw kaya pwede pa siyang mag hintay doon.
Bente minutos na ang lumipas pero wala parin si Ynah sa takdang oras kung kailan sila mag kikita. Sa tagpung iyon ay tinawagan na niya ito. Hindi naman siya nabigo sa pag asang makausap niya ang kanyang kaibigan. Wala pang limang sigundo, sumagot agad ito.
"Ynah, asan ka na? andito na ako sa Bus terminal."
"Naku sorry kung natagalan ako ah.... wala pa kasing tricle ang namamasada pa dito saamin. Pero heto nakasakay na ako at mag j-jeep nalang ako. Malapit na." pagmamadaling wika ni Ynah.
Napangiti naman si Kaycee. "Sige trenta minutos nalang ay aalis na itong bus na patunong Naga. Hihintayin nalamang kita dito. Mag text ka kung malapit ka na."
"Sige."
Pinatay na ni Kaycee ang kanyang cellphone. Habang nakaupo siya sa terminal ay hindi niya maiwasang napatingin sa dalawang mag asawang tulad din niya ay naghihintay ng masasakyang bus. Natutulog ang asawang babae sa balikat ng kanyang asawa habang ang lalake naman ay may kalong na sanggol. Isang larawan ng simple at masayang pamilya. Dahil sa nakita ni Kaycee ay napangiti nalamang siya. Bumuo sa kanyang pangarap na sana pagdating ng araw ay magkaroon din siya ng isang simple ngunit masayang pamilya.
Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawala sa hangin
At tulad ng inaasahan niya ay sa wakas natanaw na niya si Ynah. Nakasuot parin ito ng makapal na salamin tulad ng kanyang palaging suot. Balot na balot ito ng makapal na jacket at may dalang isang malaking maleta. "Sorry kung naging matagal ako."
"Sige. Tayo nang sumakay sa loob ng Bus. Mabuti nang dun na natin ilagay ang ating mga dalang bagahe. At saka para maka idlip narin tayo dun sakali." Wika ni Kaycee. Bago pa sila maka pasok sa loob ng kanilang masasakyan ay sumulyap siya muli sa mag asawa. Nandun parin ang mga iyon at masarap parin ang tulog ng sanggol.
Naramdaman na nila Kaycee at Ynah ang bumuhay na makina ng sasakyan. Hudyat na aalis na ang Bus.
Ngunit bago pa maka alis ang nasabing sasakyan ay may kagulohan ang nangyayari sa labas. May isang babae ang nag iiskandalo. Lahat ng atensyong ng mga pasahero ay natuon sa babaeng nag wawala. Pinipilit nitong pasakayin siya sa aalis na sanang Bus.
"Sino iyon?" pagtataka ng isang lalake.
"Nakakhiya naman ung babae. Ang lakas ng boses." Sabi naman ng katabing pasahero.
Dahil sa kagulohan ay nagbigay iyon ng atensyon kila Ynah at Kaycee. "Kaycee, sino ung babaeng nagwawala sa labas."
Patuloy parin ang pag sigaw ng babaeng nag iiskandalo pinipilit nitong pasakayin siya. "ANO BA KUYA. KAHAPON PA AKO BUMILI NG TICKET DITO TAPUS AYAW NYO AKO PASAKAYIN! NASA LOOB ANG MGA KASAMA KOH!"
Pamilyar kila Ynah at Kaycee kung kanino ang boses na iyon. Nang makilala nila kung kanino iyon ay dali daling pumunta si Kaycee sa kundoktor para kausapin ito. Laking gulat din niya nang makilala kung sino ung nagwawalang babae. "Dianna!" nawika ni Kaycee na may ngiti. May halo ring pagtatataka sa kanya dahil ang buong akala na niya ang hindi na sasama si Dianna pag punta sa Camarines Sur.
"Naku Kaycee, sabihan mo nga itong kundortor at driver na ito na pasakayin nila ako." Pag mamaldita nito.
"Naku Mam, ang kulit nyo po eh. Puno na yung Bus." Sabi naman ng kundoktor.
Tumingin si Kaycee sa driver at kunduktor upang makiusap nalamang. "Mga kuya, kasama po namin siya. Ngayon po ay nagmamadali kami at mahalaga po yung pupuntahan namin." Sabi niya.
"Oh sya. Sige. Pero dito nalang siya sa harapan uupo ah. Dito sa may hagdan, katabi ko. Kung ok lang iyon sa kanya." Tumingin ang kundoktor kay Dianna na may halong pagka pilyo.
"Ok fine, Sige... maka alis lang!" pag mamaldita nito. Wala naman din siyang nagawa sa buong byahe kundi ang magtiis sa matigas na hagdan na kanyang kinauupuan. Hindi man naging kumportable ang kanyang pakaka pwesto, ayus narin iyon kay Dianna.
![](https://img.wattpad.com/cover/124631052-288-k71548.jpg)
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Fiction HistoriqueHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...