Chapter 32: Normal na pamumuhay

450 15 0
                                    

Bumalik muli sa normal ng pamumuhay ang mga tao sa Hasyenda nang maka alis na ang kanilang sensyorita. Lahat muli ay naging abala liban lamang kay Fidel na habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nalulungkot ang kanyang damdamin.

Halos araw-araw nalamang ay walang gana sa pag tatrabaho ang binata sa bukirin. Mas gugustohin nalamang niya ata ang magkulong sa kanilang munting kubo. Ni ayaw rin niyang nakikita siya ng mga taong bayan tungkol sa kanyang pagdurusa.

Pagsapit naman ng gabi ay daig pa niya ang naka inum ng maraming tasa ng kape dahil sa hindi mapakali at napakaraming iniisip. Sa kanyang munting papag ay roon nakasabi ang isang maliit na litrato ng kanyang sinta. Makikita dito ang maamo at napaka gandang mukha ni Elena. Kahit sa larawang iyon ay maaninag parin ang napakaputi nitong balat at napaka itim na buhok na parang gabi. Iyon nalamang ang nagbibigay sa kanya ng panandaliang saya sa tuwing natatanaw niya ang enusenteng ngiti ng Senyorita. Hanggang ngayon parin ay umaasa siya na sila ang magkakasama na habang buhay.

Mahal niyang tapat talaga si Elena kahit pa maraming nagsasabi na napakalayo ng kanilang agwat sa buhay. Mahirap lamang si Fidel. Minahal niya ang kanyang sinta hindi dahil sa yaman nito kundi dahil sa kanilang matagal na sumpaan. Naniniwala sila pareho na kahit napakakumplikado ng lahat ay paglalapitin parin sila ng tandhana.

Pagsapit parin ng linggo ay lumuluha siya sa harap ng altar sa loob ng simbahan. Kakampi nila ang Diyos at hindi sila pinapabayaan. Kung may tatlong tao lamang ang nakaka unawa sa kanilang malalim na pagmamahal ay wala ng iba iyon kundi siya, si Elena, at ang panginoong may kapal. Sa Diyos lahat ay posible, lahat ay pwede mangyari basta maniwala lamang.

Palagi naman siyang niyayaya ng kanyang kaibigan na si Paciano na pumunta sa karatig bayan upang maliwaliw at uminom ng malalamig na surbesa. Pero tinatanggihan ito ni Fidel. Ang para sa kanya lamang ay ang makapag isa nalamang.

Nakakatanggap rin siya ng mga liham na galing kay Elena. Isang napakahalagang ugnayan iyon upang hindi mamatay ang kanilang kommunikasyon.

Si Don Alfredo naman ay patuloy na namamahal sa kanyang napakalaking Hasyenda. Marami sa mga tanim sa lumpain niya ang kanyang naibebenta sa maraming negosyante, hindi lang sa Camarines, ngunit sa buong Pilipinas. Kahit ang Don ay nalungkot sa paglisan ng kanilang monika hiya na si Elena. Madalang naring makitang lumalabas si Alfredo sa kanyang Mansyon. Ni minsan nalamang rin siya magsulat sa kanyang Diary. Pag sapit naman ng kalagitnaan ng gabi ay di niya maiwasang mapadungaw sa malaking terasa kung saan ay matatanaw ang malawak ng hasyenda. Malalim ang kanyang iniisip gabi-gabi.

Si Tiya Victoria naman ang syang kasa-kasama ng ilang mga kasambahay sa palengke upang bumili ng kanilang makakain sa Hasyenda. Matikuloso siya sa lahat ng bagay kaya naman piling-pili lahat ng karneng kanilang nabibili, ganun din sa Gulay at isda. Ang pinaka sariwang paninda ang kanyang pinipili upang bilhin ng mga kasambahay. Palagi na siyang pumunta sa mga ganung lugar ngunit hindi parin niya nakasanayan ang malansang amoy ng palengke.

Palaging nakikitang nangangaso si Simoun kasama ang kanilang mga taohan sa gubat. Nakahiligan nito ang manghuli ang usa at mamaril ng mga ligaw na ibon doon. Magaling siyang umasinta ng mga ibon kahit pa lumilipad ito. Humasa ang kanyang galing sa pag gamit ng baril. Ang kanyang pagpunta sa gubat ay isang dahilan rin upang matuntun kung saan ba nagtatago ang matagal na nilang hinahanap na mabagsik na tulisan na si Salasar. Lahat sila ay wala parin ideya kung saan ba ito nag tatago o kailan muli ito aatake.

Si Tiya Paloma naman ay pumupunta sa bayan upang magbenta ng kanilang binurdang kurtina, gawa ito sa mamahaling tela na mula sa sapot ng higad. Ito ang kanyang naging negosyo. Napagbebenta naman nila ang kanilang gawang kurtina sa mayayamang intsik na tulad niya ay nangangalakal rin ng kung ano-anong gamit. Magaganda ang produkto ni Tiya Paloma kaya naman naging mabenta rin iyon sa lahat ng mga taong bayan, na minsan ay kahit ang mga tiga Maynila ay dinarayo ang kanyang paninda.

In Loving Memory  Of Maria Elena Garchitorena Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon