Mahal kong pamangkin,
Naway matanggap mo sana itong liham ko kaagad. May importante akong balitang sasabihin sa iyo. May kinalaman ito sa iyong Papa at ayaw ko sanang masira ang nalalapit mong kaarawan ngayon buwan. Kung matanggap mo itong liham ay sanay bumalik ka muna dito sa Hasyenda. Kailangan ka ng iyong papa dahil may malubha siyang karamdaman ngayon. Isang sakit na kahit ang mga doktor ang hindi masuri kung ano ba ang tunay na kalagayan ni Don Alfredo. Pinagbilin niya na bumalik ka agad rito sa Hasyenda sa madaling panahon. Mag iisang taon narin nang dapuan ang iyong papa ng hindi maipaliwanag na karamdaman. Patawarin mo kami kung nilihim namin sa iyo ito sa kadahilanang ayaw naming maapektohan ang iyong pag aaral riyan sa Maynila. Hindi maganda kung may iba ka pang problemang iisipin.
Dahil narin sa karamdaman ng iyong Papa ay naapektohan narin ang pamumuhay ng mga tao rito sa Hasyenda Magdalena. Bumagsak narin ang ilang negosyo ng iyong Papa. Isa lamang ang hiling niya, ang makita ka. Dito mo nalamang mauunawaan ang lahat oras na bumalik ka rito.
-ang iyong Tiyohin, Simoun
Pumatak ang luha sa mata ni Elena dahil sa binasang Liham. Hindi pa niya natatapus basahin ngunit bawat letrang naka sulat doon ay nagbibigay sa kanya ng maliliit na karayom na tumutusok sa kanyang puso. Lubos ngang hindi niya inaasahan ang nilalaman ng sulat. Na kahit siguro ay ilang beses pa niyang paulit-ulit niyang basahin iyon ay may bahagi parin sa kanyang utak a na hindi maunawaan ang lahat. Upang mas lalo pa niyang maintindihan ang naging kalagayan ni Don Alfredo ay naghanda na siya para sa kanyang madaliang pagbabalik sa Hasyenda.
Matapus ang kaarawan niya ay wala nang inisip si Elena na sana mali ang kanyang agam-agam. Alam kasi niyang malakas pa ang kanyang Papa nang una niyang lisahin ang kanilang bayan.
Aaminin nga niyang tunay na naging maghigpit ang kanyang Papa sa kanyang pagdadalaga ngunit naging ama parin ito sa kanya. Naramdaman niya ang pagmamahal nito lalo na sa kanyang pagkabata. Napaka Protektado nito na kahit ang isang lamok lamang na dadapo sa kanyang puting balat ay hindi makakapayag ng kanyang Papa. Lahat ng kanyang nais ay binibigay ng kanyang Papa na kahit sa simpleng manika na binili sa bayan ay kanyang kinasabikan. Lalo na nang umabot siya noon sa kanyang ika 15 na kaarawan, bililhan siya ng isang tuta na pinangalanan niyang Bagani. Iyon ang hindi niya malilimutan.
#
Hindi maipaliwanag ang dalang lamig ng umagang iyon sa Hasyenda Magdalena. May isang katulong ang nagbukas ng pinto ng kwarto kung saan ay mahimbing pang natutulog si Don Alfredo. Dahil sa langitngit ng pintuan ay dahan-dahan napadilat ang Don.
"M-Magandang umaga po sa inyo Don Alfredo, naabala ko po ba ang inyong pagtulog? Nilagay ko lang po dito sa lamesa ang inyong gamot upang malapit nyo lang po makuha at upang hindi na kayo tumayo." Magalang na sabi ng kasambahay.
Nadahan-dahan lumingon ang matanda upang dumungaw nalamang sa bintana. Mula roon ay matatanaw ang malaking Gate papasok sa kanilang mansyon. "Si Elena, ang anak ko, nakabalik na ba siya?" tanong ni Alfredo.
"Maari pong natanggap na po ng Senyorita ang ginawang liham ni Senyor Simoun. Natitiyak po akong makakabalik agad rito ang Senyorita. Wag po kayong mag isip ng marami dahil makakasama po iyon sabi ng inyong Doktor."
"Si Elena,.... Gusto ko siya makita, bago pa ako mawala dito sa mundo."
Bilang nalang ang mga araw na nalalabi ni Alfredo sa mundo. Simula kasi dinapuan siya ng karamdamang hindi matukoy ng ibang doktor ay nandon nalamang siya sa kanyang silid nakakulong. Nakahiga at naghihintay nalamang sa pagbabalik ng kanyang anak na si Elena. Malubha na ang naging kalagayan niya. Ang kanyang noong matipunong pangangatawan ay napalitan ng isang patpating pigura. Malayo na sa dating masiglang Don Alfreddo na nakilala ng marami. Madalas ay tinatakpan niya ang kanyang bibig dahil sa palagiang pag ubo. Lubog na ang kanyang pisngi dahil sa kakaunti at wala narin siyang ganang kumain. Wala nang sigla ang dating Don na kinilala ng maraming taong bayan.
BINABASA MO ANG
In Loving Memory Of Maria Elena Garchitorena Book 2
Tiểu thuyết Lịch sửHindi naging Maligaya si Señorita Elena sa kanyang pagiging dalaga dahil sa matinding kahigpitan na sinapit mula sa kanyang mga magulang. Sila Don Alfredo at Doña Cristina Hernandez. Ang Pamilya nila ang may pinaka mayaman at may pinakamalaking imp...