Violating Move

26 3 0
                                    

MAY'S POV

Nakaupo na kaming lahat sa mga upuan namin maliban kina Roselle at Shane na wala sa room. Nakatingin kami kay Mrs. Sanchez dahil may iaanounce daw ito.

"One of your classmates, Miss Shane Anonuevo died yesterday."- simula ni Mrs. Sanchez.

Walang sinuman sa amin ang nagulat nang ianunsyo niya iyon. Lahat kami ay nakatanggap ng picture ng bangkay ni Shane.

"She committed suicide because of extreme depression. She jump off from the rooftop of their three-storey house. Madaming nabaling buto sa kanya, even her neck was broken too."- dagdag pa ni Mrs. Sanchez.

Nangunot ang noo ko dahil doon. Halos lahat din naman ng mga kaklase ko ay nagreact sa sinabing iyon ni Mam.

"No. Hindi yun ang nangyari, Mam."

"Pinatay si Shane Mam."

"Paano namang madedepress siya e ang saya-saya niya kahapon bago siya magpaalam sa akin para pumunta kay Carlito."

Yun ang mga naging apela ng mga kaklase ko.

"SILENCE!!"- sigaw ni Mrs. Sanchez upang matigil ang mga kaklase ko.

Nagtagumpay naman si Mrs. Sanchez dahil nagsitahimikan ang mga kaklase ko.

"Yun yung sinabi sa akin ng nanay ni Shane. Hindi natin nasaksihan yung bangkay ni Shane, yung nanay niya oo. Nagsuicide si Shane, yun ang totoo."- matigas na sabi ni Mrs. Sanchez.

Wala ng nagtangkang sumupla kay Mrs. Sanchez. Pinili na lang ulit naming manahimik at sarilihin na lang ang pinaniniwalaan namin.

Gusto kong magsalita sa unahan tungkol sa nalalaman ko sa misteryosong tao. Kailangan naming gumawa ng plano para mapigilan ang misteryosong tao na yun sa mga gusto niyang gawin.

__

Nang matapos na ang lahat ng subjects namin ngayong araw ay bigla ng nagsitayuan ang mga kaklase ko upang umuwi na sana.

Tatawagin ko na sana ang atensyon nila para wag muna silang umuwi nang biglang naunahan ako ni Kiesha.

"GUYS! WAG MUNA KAYONG UMUWI!! MAY IA-ANNOUNCE AKO!!"- sigaw ni Kiesha.

Nagsiupuan naman ulit ang mga kaklase ko. Tumungo si Kiesha sa unahan habang nakangiti.

"Guys, may napili na pala akong set of officers ko."- simula ni Kiesha.

Gustong-gusto ni Kaycee na magwelga kay Mrs. Sanchez tungkol sa pagiging presidente ni Kiesha na hindi man lang dumaan sa eleksyon. Ngunit pinigilan ko siya at sinabing hayaan na lang sila. Konsensya na nila yun at maipapakita pa naman niya ang pagiging leader niya kahit hindi siya officer.

"Vice President ko si Merella; Secretary si Angie; Treasurer si Faye; Auditor si Eldren; P.I.O. si Carter dahil wala siyang hiya; Bus. Managers sina Catly at Pauline; at Peace Officers naman sina Shane at John. But since patay na si Shane, I'll choose Dave to replace her. The Muse will be Lynn and her Escort will be Yohann."- pag-announce ni Kiesha ng officers.

Sari-saring reaksyon ang naganap nang ianunsyo iyon ni Kiesha. Tiningnan ko naman si Kaycee at napangiti ako nang makita kong hindi siya naapektuhan sa mga sinabi ni Kiesha. Siguro ay tumatak sa isipan niya ang mga sinabi ko sa kanya.

"That's all! You can go now guys!"- sabi ni Kiesha.

Magsisitayuan na sana ulit ang mga kaklase ko pero pinigilan ko sila.

"WAIT LANG GUYS!!"- sigaw ko. Nagtinginan naman sa akin ang mga kaklase ko. "May sasabihin pa ako.."- sabi ko at naglakad ako paunahan. Bumalik naman si Kiesha sa kanyang upuan.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon