The Presumed Targets

24 2 0
                                    

MAY'S POV

Nagulat ako nang bigla akong kausapin ni Jack pagkatapos ng tawag ni Kaycee. Hindi ko inexpect yun kasi kung titingnan mo siya sa classroom, parang mararanasan mo muna ang hirap bago mo siya makausap ng maayos.

Gusto rin niyang malaman kung ano ang pattern na naisip nina Dave at Kaycee kaya sumama siya sa akin. Actually, parang ako yung sumama dahil nakisakay ako sa kotse niya. Haha.

Ramdam ko kanina ang ilang namin sa isa't isa habang nasa loob kami ng kotse. Kaya halos manaig ang katahimikan sa loob ng kotse kanina.

Narito na kami ngayon sa bahay nina Kaycee. Ipinaliwanag ko na rin sa kanila ni Dave kung bakit ko kasama si Jack. Nakaupo kaming apat sa sofa habang nag-uusap.

"Kung tama yang naisip niyo, ibig sabihin si Faye na ang isusunod ng misteryosong tao."- sabi ko sa kanila.

"Ganun na nga, kaya kailangan nating puntahan si Faye sa bahay nila para maprotektahan."- matapang na sabi ni Kaycee.

"No. Kung tama yang naisip niyo, I think wala sa plano nung killer na ubusin muna yung girls. So there's also a big possibility that it's you Dave who's the next target."- kontra naman ni Jack.

Napatingin naman kami ni Kaycee kay Jack at pagkatapos ay kay Dave naman.

"Okay lang yun. Pumunta tayo kina Faye so kahit sino man sa aming dalawa ang next target, mapoprotektahan pa rin kami."- sabi naman ni Dave.

"What if hindi natin kayanin yung misteryosong tao? What if isa nga sa inyo ni Faye ang isusunod niya at hindi namin kayo mailigtas mula sa mga kamay niya?"- tanong ko kay Dave

"Gagawin natin lahat May."- sabi sa akin ni Kaycee at nginitian ako. Tinanguan ko lang si Kaycee.

"Sasabihin ba natin ito sa lahat ng classmates natin?"- tanong ni Dave.

"Wag. Isa sa classmates natin ang demonyong misteryosong tao na yun so baka kapag nalaman niya yung plano natin may gawin siyang kung ano."- sabi naman ni Kaycee.

"He said that may mga mata siya sa paligid natin. So for sure alam niya na a..."- sabi ko na biglang naputol.

"That's bullshit!!"- matigas na sabi ni Jack. "Naniniwala ka sa sinabi niya na nakikita o alam niya lahat ng mga pinaggagagawa natin?"- tanong niya sa akin.

"Maaari ngang hindi lahat alam niya but kagabi may nakita akong dalawang lalaking umaaligid sa di kalayuan mula sa bintana ng kwarto ko."- sabi naman ni Dave.

Kinilabutan ako ng sabihin iyon ni Dave. "As I was saying, may mga mata siya sa paligid natin and for sure alam niya na ngayon ang mga ginagawa natin. Kapag pumunta tayo kina Faye, malalaman pa rin niya iyon agad."- pagpapatuloy ko sa sasabihin ko. "So sabihin pa rin natin sa mga kaklase natin ang tungkol doon."

"What if dayain niya ang pattern niya at kahit na si Faye or Dave talaga ang next target niya ay iba ang patayin niya?"- tanong ni Kaycee.

"No. Hindi niya yun gagawin. Lalabagin niya lang ang pattern niya kapag may linabag tayo sa rules niya."- sabi ko kay Kaycee.

Naghanda na kami upang pumunta kina Faye. Sana tama talaga ang naisip naming pattern. Sana kung si Faye or si Dave na ang isusunod ng misteryosong tao ay mapigilan namin siya. Sana wala nang mamatay ulit. Sana matukoy na ang walang hiyang mamamatay-taong yun. Sana matapos na ang bangungot na ito.

__

Ginamit namin ang kotse ni Jack papunta kina Faye. Pero pumunta muna kami sa bahay namin dahil inuwi ko doon ang pinamili ko. Nagpaalam ako kay Daddy na pupunta ako kina Faye kasama sina Kaycee at magpapagabi ako doon. Sinabi ko na lang sa kanya na may gagawin kaming group project kaya pinayagan niya ako. Binilinan ko rin si Daddy na inumin ang mga binili kong gamot sa kanya.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon