Making it Worse

30 3 1
                                    


CATLY'S POV

Nakahilata ako ngayon sa ibabaw ng aking kama. Suot-suot ko pa rin ang aking uniform kasi tinatamad pa akong magbihis. Pagod na pagod kasi ako sa school. Ang daming activities na naganap ngayong araw, idagdag pa yung pag-iisip ko sa baliw na misteryosong tao sa phone na gusto raw kaming pataying lahat.

Habang nakahiga ay malaking palaisipan sa akin kung sino ang nasa likod ng mga bagay na iyon. Medyo naghihinala ako kay Yohann pero feeling ko talaga si Stuart ang misteryosong taong yun. Medyo baliw kasi si Stuart. Oo, pwedeng dahil sa pagiging kolokoy niya kaya ko nasabing isa siyang baliw pero hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagiging baliw niya.

Palaisipan din sa akin kung ano ang pattern ng misteryosong taong yun sa pagpatay. Unang namatay si Roselle, sunod naman si Shane. Bakit naman uunahin ng misteryosong tao si Roselle at isusunod doon si Shane.

Napabangon ako sa kama habang nanlalaki ang mga mata nang magkaroon ako ng isang ideya. Si Roselle ang una sa mga babae sa official list ng Class 10-B at si Shane naman ang sumunod sa kanya. Posible kayang yung official list ang sinasabing pattern sa pagpatay nung misteryosong tao? Posible din kayang si Faye na ang isunod nito kay Shane? Pero posible din namang sa lalaki naman siya papatay at si Dave ang susunod na biktima.

Hay. Nakakalito. Bakit ko pa nga ba pinoproblema ang bagay na iyon e bukas na bukas din ay hihingi na kami sa mga pulis ng tulong at hayaang sila na lang ang lumutas ng problema namin.

__

Nasa sala ako ngayon habang nakaupo sa sofa. Nakabukas ang t.v. namin pero hindi pa ako nanonood kasi hindi pa naman yung papanoorin ko ang pinapalabas. Hawak-hawak ko ang telepono habang kausap si Mama sa kabilang linya.

"Opo Ma. Kumain na ako, nagsisimula ka na naman, binebaby mo na naman ako!" reklamo ko kay Mama. "Sige Ma. Babay na. Goblin na yung palabas eh. Bukas ka na lang ulit tumawag."- sabi ko at binabaan ko na siya ng telepono. Bastos ko no?

Eh kasi naman ang mga tanong ni Mama nakakababy eh. Alam ko namang namimiss niya ako at nag-aalala siya sa akin pero kaya ko naman ang sarili ko eh. Mahal ako ni Mama alam ko yun at mahal ko rin siya pero hindi ko alam kung paano ipadama yun sa kanya. Isa siyang Social Worker na nakadestino sa isang Orphanage sa Cebu. Every 3 months siya kung umuwi dito kaya hindi nakakapagtaka na mamiss niya ako ng sobra.

Ilinatag ko lang sa sofa ang telepono at ibinaling ko ang aking atensyon sa t.v. dahil pinapalabas na ang Goblin. Nakakakilig ang Goblin. Sobra. Ang gwapo-gwapo ni Gong Yoo.. Kyaahh!!

Nang magpatalastas sa t.v. ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung bakit ito tumunog.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makatanggap ako ng isang picture mula sa isang unregistered number. Ako ang laman ng picture at ang mas nakakatakot doon ay picture ko yun habang nanonood ako ngayon ng t.v.

Biglang bumilis ang paghinga ko. Baka ang misteryosong tao ang nagsend nito sa akin. Paano niya ako napicture-an ng ganito? Nandito kaya siya sa loob ng bahay namin? Ako na kaya ang isusunod niya kay Shane?

Tiningnan ko ng maigi ang picture at napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Mama na nakabukas ng bahagya na nakapwesto lang sa gilid ng lalagyan ng t.v. Hinuha ko ay nandoon sa loob ng kwarto ang taong kumuha sa akin ng litratong natanggap ko. Binase ko ang hinuha kong yun sa anggulo ng pagkakakuha ng nasabing picture.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa sofa at naglakad patungo sa kwarto ni Mama. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kaba.

"I-Is S-Someone there?!" - nanginginig kong tanong habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon