Changing the Game

25 2 0
                                    

Makalipas ang halos tatlong linggo. Naglalakad ako papunta sa classroom namin nang bigla akong makarinig ng mga nagbubulungan.

"Si Shawn Lleva yun oh. Yung anak ng may-ari ng Lleva Toy Company."

"Oo nga no. Kawawa talaga siya no. Sabay pang namatay yung mga magulang niya."

"Walang puso yung Yaya nilang yun. Mabulok sana siya sa kulungan!"

"Mabuti na lang talaga at nasa pangangalaga pa rin yang si Shawn ng kapatid nung Mommy niya!"

Napangisi ako sa narinig ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinasabi nila. Dahil sa kagustuhan kong mamatay ang mga magulang ko, hindi ko inaasahang makukuha ko ang atensyon ng napakaraming tao.

Ilang araw nagtagal ang pagiging instant famous ko sa kung saang lugar ako pumunta. Hanggang sa halos malimot na nila ang mga pangyayaring iyon at unti-unti kong naramdaman na may kulang akong nararamdaman at hinahanap-hanap ko ang pakiramdam na iyon.

Nang malapit na ako magraduation ay panay ang praktis namin ng mga gagawin namin para sa graduation day namin. Sa event room ng school namin kami nagpapraktis palagi.

Hanggang sa may pumasok na ideya sa isip ko. Isang malagim na ideya pero tiyak ikasisiya ko.

Kinausap ko ang isa sa mga tauhan ng pamilya namin.

"Kuya, gusto niyo po ba ng maraming maraming pera?"- tanong ko sa kanya.

"Siyempre naman po Sir! Sa panahon ngayon halos lahat na ng tao sa mundong ito, pera ang pinakagusto."- sagot nito sa akin.

Napangiti ako at sinabi ko sa kanya ang plano ko. Sa una nabigla siya pero napilit ko pa rin siya sa huli. Sinabi niya rin sa akin na may kakilala siyang marunong gumawa ng pinapahanap ko sa kanya kaya mas lalo akong natuwa. Sinugarado ko ring wala siyang ibang pagsasabihan tungkol sa gagawin namin.

Dumating ang araw ng final day of rehearsal ng graduation namin at handa na ang lahat. Ilinagay ko sa ilalim ng upuan ko ang isang maliit na bag na naglalaman ng bombang nabili ng tauhan namin.

Nang mailagay ko na yung bomba ay kaagad na akong tumakas mula sa rehearsal sa event room. Ilang minuto na lang ay sasabog na ang room na iyon.

Habang pinapanood ko ang news sa t.v. tungkol sa nangyaring pagsabog sa school namin ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti. Patay lahat ng mga kabatch ko at patay rin ang ilang mga teachers sa nangyaring pagsabog.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon