MAY'S POV
"PAKAWALAN MO KAMI DITONG HAYOP KA!"
"PAPATAYIN KITANG DEMONYO KA!"
"TULUNGAN NIYO KAMI DITO!!!"
Iminulat ko ang mga mata ko at napatingin sa paligid ko. Nakita ko sina Dave, Merella, Pauline, Yohann, at Faye na pilit na nagpupumiglas sa kinauupuan nila kung saan nakatali rin ang katawan nila doon. Walang malay namang nakaupo't nakatali sa upuan si Jack. Nakapabilog kami at nasa gitna namin ang isang lamesa. Nasa ibabaw nito ang isang kutsilyo, baril, nail gun, chainsaw, screwdriver at isang boteng may lamang kulay pulang likido. Nakatayo din sa gitna namin si Makie habang nakangiti ng napakalapad.
"Ano ka ba Pauline? Sinabi nang wala ng tutulong sa inyo dito!"- sabi ni Makie kay Pauline.
Napatingin ako sa paligid naming napakadilim. Tanging ilaw lamang ng bilog na buwan mula sa labas ng isang bintana at isang maliit na bombilya sa gitna namin ang nagsisilbing liwanag namin dito sa kwartong kinalalagyan namin.
"HAYOP KA MAKIE! DEMONYO KA MAKIE!"- galit na galit na sigaw ni Dave.
"Oh! Shut up Dave! Alam ko na yan noon pa! Haha!"- sagot ni Makie at bigla siyang napalingon sa direksyon ko. "O, gising na rin pala si May. Si Bes na lang ang hindi pa."- mapang-uyam na sabi niya.
"Makie, pakawalan mo kami dito please! Itigil na natin ito. Itigil mo na ito!"- pagmamakaawa ko sa kanya.
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Makie. Lumapit siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "You're not gonna tell me what I have to do kasi gagawin ko ang kung ano ang gusto ko!"- nanlalaki ang mga matang sabi niya at binitawan niya na ulit ako.
Napatingin ako kay Yohann at nakita kong takot na takot din siya katulad namin. Panay ang pagpupumiglas niya upang makawala sa mahigpit na pagkakatali sa kanya ni Makie.
Kami namang mga babae ay walang humpay lang sa pag-iyak.
Narinig kong umungol si Jack at nakita kong unti-unti na rin siyang nagigising. Nang magising na rin siya ay tulad ng kaso ko kanina ay nagpalinga-linga siya ng tingin habang nagtataka kung nasaan siya.
Nasa bahay kami kanina nina Kenneth at bigla na lang may tumusok na syringe sa may leeg ko. Yun ang naging dahilan kung bakit ako nawalan ng malay at napunta dito sa lugar na ito.
"MAKIE! ANONG IBIG SABIHIN NITO?!"- gulat na tanong ni Jack habang pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakatali sa kanya.
"Oh Thank God! Akala ko naman hindi ka na gigising Bes! Waha!"- nababaliw nang sabi ni Makie.
"Ikaw ang killer Makie?"- di-makapaniwalang tanong ni Jack.
"Ang slow mo naman. Hindi mo na ba naalala yung nangyari kanina bago ka mawalan ng malay?"- tanong ni Makie. "At saka tingnan mo oh! Nakatali kayo at ako lang ang hindi, kung hindi ako yung killer e di sana pinakawalan ko na kayo dyan! Bobo lang?"
"Paano mo nagawa sa amin ito?! PAANO MO NAGAWA SA AKIN ITO?!"- galit na galit at hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jack.
Nagpakawala ng maikling pagak na tawa si Makie. "Simple. Dahil wala akong pakialam sa mga buhay niyo. Kahit gaano pa yan kaprecious!"- sabi pa niya at tumawa na parang hibang.
"PERO KAIBIGAN MO AKO DIBA?! KAMI NI ROSELLE! HINDI AKO MAKAPANIWALA NA NAGAWA MONG PATAYIN SI ROSELLE AT NGAYON PAPATAYIN MO RIN AKO!!"- nag-aapoy sa galit na sigaw ni Jack.
"OO, KAIBIGAN KITA JACK! KAYO NI ROSELLE!"- pasigaw na sagot ni Makie. "But still, I have the guts to kill you. Cause wala nang ibang importante sa akin kundi ang sarili ko lang. Selfishness is not bad for me because yun yung kadalasang rason kung bakit ako sumasaya!"- sabi pa niya. "Remember Sebastian?"- tanong niya kina Dave at Jack.
BINABASA MO ANG
Histrionic Psycopath of Class 10-B
HororThe Class 10-B end up fighting for their lives against their psychotic classmate who wants to kill all of them.