First One Out

40 3 0
                                    

MAY'S POV

Alas sais ng umaga na ako nagising kanina kaya heto ako ngayon, kinakain ng mabilisan ang agahan ko. Gustuhin ko mang wag na lang mag-agahan para matipid ang natitira ko pang oras papunta sa school pero hindi pwede kasi baka magutom ako sa loob ng room. Hindi ko na kayang makapaghintay until break bago kumain.

"Musta ang First Day mo kahapon May?"- tanong ng Daddy ko sa akin na kasabay ko sa pagkain.

"Okay naman po. Ang saya ko kasi kaklase ko na ulit si Kaycee."- nakangiting sabi ko sa kanya.

"That's really good."- komento ni Daddy.

Si Daddy ay isang employee sa isang business company. Close ako sa kanya at mahal na mahal ko siya. Wala na akong ina dahil namatay siya nung ipanganak niya ako.

__

Nang makarating ako sa room namin ay kinabahan ako nang makitang nagsisimula na ang klase namin.

Pumasok ako sa room at naglakad palapit sa upuan ko. "Good Morning Mam, I'm sorry I'm late."- usal ko.

Hinayaan lang ako ng teacher namin na umupo sa upuan ko. Pagkaupo ko sa upuan ko ay biglang may ipinatong si Kaycee sa harap ko na notebook na may madaming design.

"Dahil late ka, fill-upan mo yan."- pabulong na sabi ni Kaycee sa akin.

Medyo nangunot naman ang noo ko dahil di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Joke lang. Fill-upan mo daw yan sabi ni Angie."- sabi pa niya at binuksan ko ang notebook at nakita ko sa mga naunang page na nakapagfill-up na ang iba kong mga kaklase at kabilang na rin doon si Kaycee.

May mga tanong doon tungkol sa sarili namin. Parang Tell me About Yourself ang style nun, nakalimutan ko kasi ang tawag dun eh.

"Gusto daw ni Angie na mas malaman pa ang ibang mga tungkol sa atin."- sabi ulit ni Kaycee.

Tinanguan ko si Kaycee at tumingin na siya sa unahan upang makinig kay Mam.

Nagsimula na akong sumagot sa pinasasagutan ni Angie. Hindi ako nahirapan sa pagsagot dahil tungkol lang naman yun sa aking sarili. Sinagutan ko yun ng buong tapat at walang halong echos or yabang.

"Favorite Horror Movie? When a Stranger Calls."- sabi ko habang sinasagutan ang huling katanungan dun sa notebook.

"Tapos ka na?"- tanong sa akin ni Kaycee.

"Yeah."- sagot ko.

"Ipasa mo na sa unahan."- sabi niya at tiningnan si Catly na nakaupo sa unahan ko.

"Catly."- tawag ko at nang lingunin niya ako ay ibinigay ko na sa kanya ang notebook ni Angie.

Tinanong ko si Kaycee pagkatapos kung ano na yung mga nginawa ng teacher namin. Sabi niya ay nagpakilala lang daw ito ng kanyang sarili at sinabi ang requirements and expectations niya sa amin.

JACK'S POV

Today is the second day of this school year. Hindi pa rin ako pumasok kasi alam ko naman na wala pang masyadong mangyayaring importante.

Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko at nagsosoundtrip. Wala kasing ibang magawa na katrip-trip.

Nagulantang ako nang biglang tumawag si Makie. Naalis ko kaagad sa tenga ko ang headset ko dahil halos mabasag na ang eardrums ko sa sobrang lakas ng ringtone ko.

"Hello? Bakit ka tumawag?!"- tanong ko sa kanya.

"Kaklase ulit natin si Angie. May pinapasagutan siya sa lahat ng classmates natin."- sabi sa akin ni Makie.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon