Pattern and Rules

35 3 0
                                    

SHANE'S POV

"Ma.."- matamlay na tawag ko sa nanay ko na kasalukuyang nagluluto sa kusina.

Hinarap ako ni Ma suot ang napakatamis na ngiti. Ngunit agad din itong naglaho nang makita niya ang mukha ko. "Bakit? Anong problema?"- nag-aalalang tanong niya sa akin.

Lumapit sa akin si Ma at hinawakan ang magkabilang pisngi ko nang hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapaiyak. "Si Carlito. Nakipagbreak na siya sa akin Ma."- hagulhol ko at yinakap ko si Mama.

Naramdaman ko na yinakap rin ako ni Mama. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil kay Carlito.

Humiwalay kami ni Mama sa yakap namin sa isa't isa. Sumisinghot-singhot ako dahil sa pag-iyak ko.

"Bakit daw siya nakipagbreak?"- tanong ni Mama.

Mas lalong tumindi ang pag-iyak ko nang itanong yun sa akin ni Ma. "Ipinamukha niya sa akin na hindi na daw niya ako mahal. Nagsasawa na daw siya sa akin. Huhu. Ipinamukha niya sa akin kung gaano na ako kataba. Hindi na daw ako yung dating Shane na napakaganda at napakasexy. Huhu."- pagsusumbong ko kay Ma.

"Shh. Tahan na. Tahan na."- pag-aalo sa akin ni Ma at yinakap niya akong muli. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Para akong mamamatay. Minahal ko si Carlito ng sobra-sobra. Binigay ko sa kanya lahat-lahat maging ang aking pinakaiingatang pagkabirhen. Itinuring ko siyang buhay ko kaya ngayong wala na siya, para na rin akong patay.

"Ang sakit-sakit lang kasi Ma.."- umiiyak na sabi ko.

"Mabuti na rin yun anak kasi nalaman mo na na panlabas na anyo mo lang ang tinitingnan ni Carlito. Hindi tunay ang pagmamahal sa iyo ni Carlito and he doesn't deserve people like you. He's not worthy of you."- pagpapalakas ni Mama ng loob ko.

Ang daming magbabago sa buhay ko ngayong wala na kami ni Carlito. Hindi ko alam kung ano na ang mga mangyayari sa akin.

__

Mag-isa na lang ako ngayon sa bahay dahil wedding anniversary ngayon nina Ma at Pa at sa labas sila magdidinner na magsisilbing date nila. Ang saklap lang kasi ang araw ng anniversary nina Ma at Pa ay ang araw din kung kailan kami natapos ng two-year boyfriend ko na si Carlito.

Kahit na ayaw na ni Ma ituloy ang date nila ni Pa dahil sa kalagayan ko ay natuloy pa rin sila. Hindi ako pumayag na ako ang magiging dahilan upang hindi sila matuloy at magsaya kapiling ang isa't isa.

Yakap-yakap ko ang aking unan habang nakaupo ako sa aking kama. Ayaw pa ring magpaawat ng mga luha ko sa paglabas sa aking mga mata. Ang sakit-sakit talaga. Mas masakit pa sa isang napakalaking sugat. Gusto ko ng mawala ang sakit na ito sa dibdib ko.

Napalingon ako sa side table ng kama ko. Lumapit ako dun at binuksan ang drawer nun upang maghanap ng blade. Ngunit wala akong natagpuan doong blade.

Umiling-iling ako upang iwaglit sa isipan ko ang pagpapatiwakal. Hindi ko akalaing papasok sa isipan ko ang ideyang yun.

Pero hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Gusto ko na itong mawala at matapos. Bigla akong nagkaroon ng isang ideya at tumingala.

__

Narito ako ngayon sa rooftop ng bahay namin. Ang bahay namin ay hanggang third floor. Dumungaw ako doon at nakita ko na napakataas ng kinalalagyan ko.

Ang sarap ng hangin dito sa taas. Medyo nagiginhawaan ang pakiramdam ko dahil sa sobramg sarap nito. Parang ang sarap ding lumipad sa ere na parang isang ibong malaya.

Umakyat at umapak ako sa railings ng rooftop namin na yari sa bato. Ang sarap-sarap talaga ng hangin dito. Parang gusto ko na yatang tumalon at lumipad pababa. Kung gagawin ko yun ay maaari na rin nitong tapusin ang sakit at pighating nararamdaman ko.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon