MAY'S POV
Lutang na lutang ako habang nasa loob kami ng room at nagdidiscuss ang aming teacher. Alam kong maging ang mga kaklase ko ay ganundin base sa kanilang mukha. Well, alam kong isa sa amin ay nagpapanggap lang na natatakot and deep inside ay tuwang-tuwa dahil nakikita niya kaming nagkakaganito.
Wala na akong nakikitang ibang paraan maliban sa paglaro sa sinasabi ng misteryosong tao na laro. Natatakot kasi ako na baka magbayad ako ng consequences at madamay si Daddy sa gulong napasok ko.
Kung ang tanging solusyon na lang para matapos na ito at para mapigilan na ang hibang na misteryosong tao na yun sa mga balak niya ay ang pag-alam ng pattern niya sa pagpatay at pagtuklas sa identity niya, gagawin ko.
Nang matapos na ang buong klase namin ay muling pumunta si Kiesha sa unahan.
"Imbes na magsumbong tayo sa mga pulis ngayon, why don't we go to Shane's funeral instead to give our condolences to her parents?!"- tanong niya sa buong klase.
"Agree ako dun."- sambit ni Faye.
Lahat kami ay umayon sa sinuggest ni Kiesha. Pupunta kami ngayon sa burol ni Shane.
__
Pumasok kami sa loob ng chapel kung saan nakaburol ang bangkay ni Shane. Habang dumadaan kami sa gitna patungong kabaong ay nakita kong nagsisitinginan sa amin ang mga tao sa loob.
Kaunti lamang ang tao sa loob. Siguro ay dahil sa kadahilanang ang alam ng ibang mga tao ay nagpakamatay si Shane. Pero baka naman may ibang rason doon.
Dahil sa kaunti lamang ang tao at sa labis na katahimikan ay rinig na rinig namin ang pagtangis ng ama't ina ni Shane mula sa kanilang mga upuan.
Nang makarating kami sa unahan ay humarap kami sa mga magulang ni Shane. Nang makita nila ang presensya namin ay bahagyang natigil sa paghagulhol ang ina ni Shane.
"Nakikiramay po kami Tita."- magalang na sabi ni Makie.
"Nasaan si Carlito?!"- kunot-noong tanong ng ina ni Shane.
"H-Hindi po namin siya kasama Tita Divine."- sagot ni Faye. Alam niya ang pangalan ng ina ni Shane so baka close na close sila ni Shane.
"Wag na wag niyong papapasukin ang lalaking yun dito! Hayop siya! Siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko!!"- galit na iyak ni Tita Divine.
Nagtinginan ang mga kaklase ko nang sabihin iyon ni Tita Divine.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?"- tanong ni Pauline.
"Siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang anak ko! Minahal siya ng anak ko ng sobra pero sinaktan niya lang ito. Siya ang dahilan kung bakit wala na si Shane ko. Siya ang dahilan kung bakit hindi na namin ulit makikita pa ang anak ko!"- muling pag-iyak ni Tita Divine. Yinakap siya ng kanyang asawa.
Napabuntong-hininga na lamang ako. May kung ano akong nararamdaman sa loob ng dibdib ko. Hindi ako sigurado kung guilt iyon dahil hindi ko masabi sa mga magulang ni Shane na hindi talaga nagpakamatay ang anak nila.
Mga isang oras lang kami nagtagal sa burol ni Shane. Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami sa mga magulang nito dahil madilim na sa labas.
__
Pumasok ako sa loob ng bahay namin at nakapatay ang ilaw sa may sala. Natatanglawan din naman doon ng ilaw sa kusina.
Tumingin ako sa wristwatch ko at napag-alaman kong 7:02 pm pa lang naman kaya nagtaka ako. Sa ganitong oras kasi ay palaging nandito si Daddy sa sala upang manood ng balita ngunit ngayon ay walang tao sa sala.
BINABASA MO ANG
Histrionic Psycopath of Class 10-B
HorrorThe Class 10-B end up fighting for their lives against their psychotic classmate who wants to kill all of them.