Roll Call

108 4 0
                                    

MAY'S POV

Pumasok ako sa School Gate at pinagmasdan ko ang mga masasayang estudyanteng nasa paligid ko. Naglakad ako patungo sa building ng mga Grade 10 student upang alamin kung saang seksyon ako kabilang.

Ako si May Gutierrez. 15 years old na ako at isa nang Grade 10 student dito sa Lennington High. Today is the first day of classes at excited akong malaman kung anong section ako at kung sinu-sino ang mga magiging kaklase ko.

Bago pa man ako makarating sa pupuntahan ko ay napatigil ako sa may mini-garden at bigla akong napatingin sa gilid ko. May kumapit sa braso ko at napag-alaman kong si Kaycee iyon, bestfriend ko. Sinabayan niya ako sa paglalakad habang suot ang napakalapad na ngiti.

"Ginulat mo naman ako."- sabi ko sa kanya. "What's with the smile?"

"Alam mo na ba kung anong section ka?"- tanong niya sa akin habang ngiting-ngiti pa rin.

"Hindi pa. Hindi pa ako nakapagsimulang maghanap ng pangalan ko sa mga nakapaskil sa bawat room ng bawat section."- sagot ko.

"Pwes, wag ka ng maghanap cause you wanna know why?"- pambibitin niya sa akin.

Tumigil kami sa paglalakad. Tumango ako kay Kaycee upang sabihin niya na ang rason.

"Parehas ang section natin!! Section B tayo!!"- tumatalon sa tuwang sabi ni Kaycee.

"AAHHHH!!"- napatili ako ng medyo malakas dahil sa sobrang ligaya. Last time kasi na naging magkaklase kami is nung Grade 7 kami.

Nagyakapan kaming dalawa at naghiwalay din after lang ng ilang seconds.

"And alam mo ba kung ano pa ang mas masaya? Si Dave din kaklase natin!!"- tuwang-tuwa pa ring sabi niya.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Sana hindi niya nahalata na pilit lang ang ipinakita kong ngiti na yun.

Si Dave kasi ang boyfriend ni Kaycee since Grade 8 and hindi ako boto sa kanya para sa bestfriend ko. Mabait naman si Dave sa amin ni Kaycee pero ayaw ko sa kanya para sa bestfriend ko kasi napakapasaway niya sa mga magulang niya. But hindi lang yun, everytime Dave is around, I sense something from him na hindi ko maipaliwanag.

Naglakad na ulit kami papunta sa classroom namin. Panay ang kwentuhan namin ni Kaycee tungkol sa mga nangyari sa amin nung bakasyon.

Nang makarating kami sa classroom namin ay nakita naming may mga kaklase na kaming nasa loob. Pamilyar silang lahat sa akin ngunit hindi ko pa sila nagiging kaklase.

Pumasok kami ni Kaycee at naupo kami sa mga gitnang upuan. Ayaw namin sa unahan at ayaw din naming maupo sa likuran.

Huminga ako ng maluwag. Sana maging masaya ang school year na ito.

__

KIESHA'S POV

Nang madami-dami na rin kami sa loob ng classroom namin ay tumayo ako mula sa upuan ko. Tumungo ako sa unahan at hinarap ang mga kaklase ko.

"Hi guys! Good Morning sa inyo!"- nakangiting bati ko sa kanilang lahat.

Nanahimik sila at nagsitigilan sa mga pinaggagagawa nila. Wala akong nakuhang tugon mula sa kanila pero nakuha ko naman ang atensyon nila.

"Kanina pumunta ako sa faculty room and I found out that Mrs. Sanchez will be our adviser this school year. She told me na wala daw munang papasok na mga teachers sa atin ngayon."- panimula ko.

Nagsigawan naman ang karamihan nang mapag-alaman nilang walang papasok sa aming teachers. Well, hindi ko sila masisisi cause ang saya talaga nung ibinalita ko.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon