CARTER'S POV
Nakatapis lang ako ng twalya nang lumabas ako mula sa aking CR. Napatingin ako sa cellphone kong naka-on ang backlight habang nakacharge. Kaya lumapit ako sa cellphone ko at tiningnan kung bakit ito umilaw.
Nakatanggap ako ng message sa isang unregistered number. Binasa ko ang laman nito.
*Sa palagay namin, ang pattern ng misteryosong tao ay ang Official List ng section natin. At pwedeng ako or si Faye na ang susunod niyang biktima. Narito kami ngayon nina Kaycee, May at Jack sa bahay nina Faye so if tama yung hinuha namin, mapigilan namin ang kung anumang balak ng misteryosong tao.
-- Dave *Napabuntong-hininga ako nang pumasok na naman sa isip ko ang tungkol sa nangyayari sa section namin. Tatlo na ang namatay sa mga kaklase ko. At isa sa mga kaklase namin ang gumawa nun sa kanila.
Medyo natuwa ako sa ibinalita ni Dave. Sana tama ang hula kanilang hula. At sana matapos na ang gulong sinimulan ng baliw naming kaklase.
__
"Happy Anniversary!"- muli at nakangiti kong sabi sa girlfriend kong si Ishie. Kaharap ko siya ngayon habang kumakain kami sa paborito naming resto.
"Happy Anniversary!"- nakangiti niyang sabi. "Haha! Ang corny na natin! Kanina pa natin yan bukambibig!"- natawang sabi niya.
"I love you."- sabi ko.
"I love you too."- sagot niya sa akin.
Mahal na mahal ko si Ishie at siguradong mahal na mahal niya din ako. Masayang-masaya ako dahil umabot na kami ng dalawang taon. Sana siya na talaga ang babaeng para sa akin. Sana siya na talaga ang babaeng magmamahal sa akin at mas mamahalin ko ng sobra habambuhay.
Nagpatuloy na kami sa aming pagkain. Panay rin ang aming kwentuhan hanggang sa umabot kami sa usapang hindi ko inasahan.
"Remember Eddie Roxas?"- tanong ni Ishie sa akin.
"Hmmm??"- nasambit ko.
"Eddie Roxas. Kaklase ko nung elementary at kaklase mo nung grade 7 ka."- pagpapaalala niya sa akin sa taong sinasabi niya.
"Anong tungkol sa kanya?"- tanong ko.
"He said that may nangyayari daw na masama sa section niyo. Totoo ba ang sinasabi niya? Anong tinutukoy niya?"- sagot at tanong niya sa akin.
Natigil ako sa pagsubo ko ng kinakain ko nang sabihin iyon ni Ishie. Medyo natagalan bago ako makapagsalitang muli. "Ahh.. Ano ba ang sinabi sa iyo ni Eddie?"- tanong ko na lang sa kanya.
"May nangyayari daw na masama sa section niyo, yun lang. Narinig lang daw niya sa mga kaklase niya."- sagot sa akin ni Ishie.
"Baka si Kiesha ang tinutukoy niya. Nalaman siguro nila yung pagiging sipsip nito sa Adviser namin. Siya... Siya kasi yung president namin kahit wala namang nangyaring eleksyon."- pagsisinungaling ko kay Ishie. "Wag mo ng problemahin yun kasi wala naman akong pakialam dun sa babaeng yun."- dugtong ko pa.
Mabuti na lamang at hindi na siya muling nagtanong pa tungkol doon. Ayoko kasing malaman ni Ishie ang tungkol sa mga nangyayari sa seksyon namin. Bukod kasi sa dahilang hindi pwedeng may makaalam na ibang tao, ayaw ko ding madamay si Ishie sa gulong nabilang ako.
Pagkatapos naming kumain sa restaurant na kinainan namin ay tumungo naman kami sa sinehan upang manood ng bago at showing na horror movie.
Nang makaupo na ako sa isang upuan katabi ni Ishie ay napatingin ako sa aking wristwatch. Napag-alaman kong mage-eight na.
Nagsimula na ang horror movie na papanoorin namin. Tili lang ng tili at panay ang pagyakap ni Ishie sa braso ko sa tuwing magugulat siya sa mga kaganapan sa pelikula. Natatawa na lang ako dahil sa mga ekspresyon niya.
BINABASA MO ANG
Histrionic Psycopath of Class 10-B
HorrorThe Class 10-B end up fighting for their lives against their psychotic classmate who wants to kill all of them.