MAY'S POV
Nasa kwarto ko ako ngayon habang nakaupo sa ibabaw ng kama. Mag aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako natutulog. Hawak-hawak ko ang cellphone ko at nakalatag naman sa harap ko ang isang notebook at isang ballpen.
Tinitingnan ko ngayon ang mga litrato ng mga bangkay ng kaklase ko. Tama nga si Eldren, may mga picture nga ng logo or cover ng isang horror movie sa tabi ng mga bangkay. Hindi nga ako makapaniwala na hindi namin yun agad napansin.
Sinubukan kong isulat ang mga pangalan nina Roselle, Shane, Carter, Lynn at Eldren sa notebook ng pasunod-sunod. At isinulat ko rin sa tabi ng mga pangalan nila ang mga horror movie na nakabilang sa litrato nila.
Tama nga si Eldren. Naka arrange nga alphabetically ang mga horror movies nang isulat ko iyon sa tabi ng mga pangalan ng mga namatay na naming kaklase.
Maaaring ito na nga talaga ang pattern ng misteryosong tao sa pagpatay. Maaaring mapigilan na namin ang misteryosong tao sa pamamagitan at tulong nito. Maaaring wala ng buhay pa ang masasayang nang dahil sa kabaliwan ng taong yun.
__
Kinabukasan, sabay kaming kumain ni Daddy ng agahan sa may kusina. Tahimik ko lamang kinakain ang aking agahan habang iniisip ang tungkol sa pattern ng killer sa pagpatay.
"May problema ka ba May?!"- tanong ni Daddy na ikinagulat ko.
"Po?"- tanong ko sabay tingin sa kanya.
"Napansin kong nangangayat ka. Lumolobo na rin yang bagahe mo sa mga mata mo. Ilang beses na rin kitang napapansing lutang."- sabi sa akin ni Daddy.
Napabuntong-hininga ako. "Dahil na rin po siguro ito sa stress Daddy! Ang dami kasi ng mga pinapagawa sa amin sa school."- sagot ko sa kanya at pinilit na ngumiti.
Uminom si Daddy ng tubig. "Basta tandaan mo lang palagi na kapag may problema ka o kailangan mo ng tulong ko, huwag kang mahihiya na magsabi sa akin."- sabi niya.
Tumango na lamang ako. Kung alam lang ni Daddy ang pinagdadaanan ko ngayon. Kung pwede ko lang sana sabihin sa kanya na nanganganib ang buhay ko pero hindi pwede dahil mahal ko siya at ayaw kong manganib din ang buhay niya.
__
Nasa room na ako habang nakikisama sa pagiging lutang ng mga kaklase ko. Kanina habang papunta ako dito sa room ay nakarinig ulit ako ng mga bulungan. Binalewala ko na lamang iyong muli.
Nang pumasok si Mrs. Sanchez sa amin ay nagsimula na siya sa lesson niya ngayong araw. Wala ng pumapasok sa utak ko mula sa itinuturo ni Mrs. Sanchez at sigurado akong hindi lamang ako ang nakakaexperience nun. Pumapasok na lang ako sa paaralan para magamit ang oras na magkakasama kami ng buong klase at para na rin hindi na ulit ako mapaghinalaan.
Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Mrs. Sanchez nang biglang tawagin ni Yohann ang kanyang atensyon.
"Yes, Mister!"- sambit ni Mrs. Sanchez kaya tumayo na si Yohann mula sa kinauupuan niya.
"Didn't you find it funny that we started here na 20 kami and now we are just 14 left? Second week pa lang ng Classes, imagine? Anim na agad ang namatay sa klase namin."- sabi ni Yohann at nagpakawala pa ng sarkastikong tawa.
"Yohann, stop it!"- saway sa kanya ni Merella.
"Ay no! Lima lang pala kasi hindi naman pala namatay si Roselle. Umuwi lang siya ng Laguna. Haha."- sabi pa ni Yohann at muling tumawa.
"So what are you trying to say?"- tanong ni Mrs. Sanchez.
"Don't you think that it would be better if hindi na kami papasok pa sa klase namin?"- tanong ni Yohann.
![](https://img.wattpad.com/cover/124729264-288-k579472.jpg)
BINABASA MO ANG
Histrionic Psycopath of Class 10-B
HorrorThe Class 10-B end up fighting for their lives against their psychotic classmate who wants to kill all of them.