###

34 3 0
                                    

Hello! Yehey!! Tapos na! After 1 and a half years, I guess? natapos ko din itong bwiset na story na ito.. haha.. joke..

I may have a few reads in this story and few readers din. But writing stories are one of the things that makes me happy and feel alive. Nakakapagtanggal stress din sakin ito minsan. Pero nagiging stressor din at the same time kapag may kinukulit ako ni #2 fanreader ko na magupdate na. Haha.

Sa mga naghintay ng matagal na matapos na agad itong story... Heto na ang ending... Hope you'll like and enjoy it as well!!

____

MAY'S POV

Sa tulong ng ilang mga nabayarang tao ni Makie, na mga napilitan lang pala magtrabaho para kay Makie dahil tinakot sila nito, napakulong lahat ng mga taong sinilaw nito sa pera. Pinangalanan nila lahat ng mga taong may koneksyon at may alam sa mga pinaggagagawa ni Makie. Napasara din ang Lennington High dahil mayroong alam ang may-ari ng eskwelahan pati na rin ng ilang mga guro tungkol sa mga kademonyohang ginawa sa amin ni Makie.

Higit sa lahat, nasa kulungan na si Makie at pinagbabayaran niya ang nagawa niyang kasalanan sa amin. Ayon sa mga specialists na sumuri sa kanya, merong Histrionic Personality Disorder si Makie. Dahil sa experiences niya nung bata pa siya, naghangad siya na makakuha ng maraming atensyon. At sa mga pagnanais niyang yun, maraming buhay ang nasayang.

Lumantad din na siya si Shawn Lleva, ang anak o ampon ng isang sikat na toy company owner noon. Bukod doon ay nalaman din namin ang mga ginawa niyang tanging isang baliw lamang ang makakaintindi at makakatanggap.

Pinatawad naming tatlo si Makie sa mga nagawa niya sa amin dahil kinonsider namin ang kondisyon ng kanyang isip at emosyon. Pero ang lahat ng mga nagawa niyang yun sa amin, hinding-hindi namin iyon makakalimutan.

__

Makalipas ang pitong taon, kami nina Jack at Faye ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Pero hindi natapos ang pagkakaibigan namin dahil mas lalo iyong tumibay.

Umamin sa akin noon si Jack na may gusto siya sa akin pero sinabi ko sa kanya na mas masaya ako sa kung ano ang estado ng relasyon namin sa isat-isa, ang pagiging magkaibigan. Sinabi niya naman sa akin na okay lang daw at maghahanap na lang daw siya ng babae na katulad ko kahit imposibleng mangyari iyon.

__

Nakatambay kami ngayon ni Faye sa isang food court sa mall dahil kakatapos pa lang namin sa pamimili ng mga damit pamporma. At hinihintay rin namin si Jack na dumating dahil magsisimba kaming tatlo.

"Naiinis na naman ako sa friend nating napakapunctual!"- sabi ni Faye na naiinis na.

"Haha. Hindi ka pa dun nasanay!"- sabi ko sa kanya.

"Order ka nga muna dun, nakakagutom maghintay kay Jack."- utos sa akin ni Faye.

"Masusunod Doña Guada! Akin na ang pera mo!"- paghingi ko sa kanya mg pera.

"May utang ka sa akin last week! Ibawas mo na lang dun! Haha."- sabi naman nito sa akin.

Natawa kami pareho. Akala ko naman e nakalimutan niya na na may utang pa ako sa kanya.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sa isa sa mga bilihan. Habang nakapila ako ay napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang mga sinasabi ng isang bata.

"MA! MA! TINGNAN MO ITONG DRINAWING KO SA SCHOOL O! PINICTURAN KO!"- sabi ng bata sa nanay niyang nakapila din sa pinipilahan ko at may katawagan sa phone niya. Pinipilit niya ang nanay niyang tingnan ang isang litrato sa cellphone na hawak nito.

"Oo nak. Teka lang."- sabi ng nanay habang patuloy na inintindi ang katawagan niya.

"MA! NAGPAPICTURE DIN AKO SA CRUSH KO! TINGNAN MO!!"- patuloy na pagkuha ng bata sa atensyon ng kanyang ina. "PINAKANTA DIN AKO NG TEACHER KO SA HARAP NG MGA KAKLASE KO! ITO YUNG VIDEO KO O!!"- dagdag pa nito pero hindi ito pinapansin ng kanyang ina.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napasalita.

"Um.. Ma'am, excuse lang po ah!"- tawag ko sa nanay ng batang nasa likod ko.

Tumigil ang babae sa pakikipag-usap sa kabilang linya ng cellphone niya at tiningnan ako. "Um, bakit?"- tanong niya sa akin at nginitian ako.

"Um... May kaklase po kasi ako na nagkaroon ng disorder at pumatay ng napakaraming tao para lang makakuha ng atensyon dahil nung bata siya, hindi siya masyadong natutuunan ng pansin ng mga magulang niya. So kung ayaw niyo pong matulad ang anak niyo sa kaklase ko, alagaan niyo siya ng mabuti, pagtuunan niyo ng pansin at atensyon, purihin at palakasin niyo ang self-confidence. Alam kong pwedeng importante ang kausap niyo ngayon, pero siguro naman po, mas importante po dyan yung anak niyo, di po ba?"- mahinahong sabi ko sa kanya.

Nabigla naman ang babae dahil sa mga sinabi ko. Maging ako ay nabigla din dahil di ko inakalang lalabas yun sa bibig ko. Nginitian ko na lang siya.

Biglang may humila sa akin papaalis sa pila at napag-alaman kong si Faye iyon.

"Halika na! Wag ka nang umorder, andyan na si Pareng Punctual! Tara na!"- sabi ni Faye habang hinihila ako.

Napalingon ako sa likod habang hinihila ako ni Faye. Nakita kong nanigas ang babae sa kinatatayuan nito.

--The End--

:) I love you all!! Haha. Haixst. Kailan kaya ako magkakaroon ng madami-daming readers? Whoo.. Help me naman o!! Hehe..

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon