KIESHA'S POV
Umuwi muna ako sa bahay namin kasama si Merella. Nahahaggard na kasi ako at ang init-init pa ng uniform ko kaya narito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Kasama ko si Merella dahil nagpumilit siyang samahan ako kasi napaparanoid daw siya na baka patayin na ako ng misteryosong tao at hindi na ako makapunta kina Faye.
Nakaharap ako sa salamin sa banyo ko. Huminga ako ng maluwag upang mailabas ang nararamdaman kong kaba. Ayaw kong ipakita kay Merella na natatakot ako dahil kailangan kong magmukhang matapang sa harap niya.
"Hindi ka pa mamamatay Kiesha!"- bukambibig ko habang pilit na iwinawaglit ang kaba sa loob ng dibdib ko.
Lumabas ako ng banyo matapos kong makapagbihis ng bagong damit. Kaagad ko namang napansin na napako ang tingin ni Merella sa damit na suot ko. At parang... naiiyak siya.
Kaagad akong lumapit kay Merella nang tuluyan na siyang umiyak at humagulgol. "Bakit Merella? Anong problema?"- tanong ko sa kanya at yinakap ko siya. Parehas na kaming nakaupo ngayon sa ibabaw ng kama ko.
"I miss Lynn. Huhu. I miss her so much."- iyak niya sa akin.
"Tahan na. Tahan na."- pag-aalo ko sa kanya. "Stop crying cause I am sure na hindi gusto ni Lynn na nakikita ka niyang umiiyak."- sabi ko pa. "We need to be strong! Sigurado ako na we'll be able to avenge her death. We'll make that devil pay sa mga ginawa niya!"
Nang mapatigil ko na siya sa pag-iyak ay naghiwalay na kami sa yakap namin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Ang pangit mo na tuloy ulit! Get your ass up and have a retouch!"- sabi ko sa kanya at nagtagumpay naman ako sa pagpapangiti sa kanya. "Palitan mo na rin yang uniform mo ng baon mong damit!"- sabi ko at naglakad na ako palabas ng kwarto.
"Saan ka na pupunta?!"- tanong niya sa akin.
"I need a soft drink. Hintayin na lang kita sa baba."- sagot ko sa tanong niya.
"Okay."- sambit niya sabay pasok sa loob ng banyo kaya tuluyan na rin akong lumabas ng kwarto ko.
Pababa ako ng hagdan at tinitingnan ko ang buong sala namin na napakalawak. Medyo nangunot naman ang noo ko dahil hindi ko nakita ang kasambahay namin na naglilinis doon. Nung umakyat kasi kami ni Merella papuntang kwarto ko ay naabutan namin siya sa sala na naglilinis.
Nang makarating ako sa kusina ay kaagad kong binuksan ang ref. Kinuha ko doon ang huling coke in can na paborito ko. Kapag umiinom kasi ako nito ay natutulungan ako nitong magrelax at makapagisip-isip.
Binuksan ko ang lata at uminom na mula doon habang naglalakad na palabas ng kusina. Nang makarating na ako sa sala ay umupo ako sa isa sa mga sofang nandoon.
Makalipas ang halos isang minuto ay nakaupo pa rin ako sa may sofa habang hinihintay si Merella na makababa.
"MERELLA? DI KA PA BA TAPOS?"- pasigaw kong tanong sa kanya upang marinig niya ako mula sa kwarto ko.
Napaigtad ako nang bigla kong narinig ang malakas na pagbagsak ng isang bagay sa tubig ng swimming pool namin.
Kaagad akong napatayo at tumungo papunta sa sliding glass door na namamagitan sa loob ng bahay namin at sa swimming pool.
Nakita ko mula sa kinatatayuan ko na mabilis na nagsisigalawan ang mga tubig sa pool palatandaan na may nahulog na isang malaking bagay doon.
Kaagad kong binuksan ang sliding door at naglakad palapit sa pool. Pilit kong inaalam kung ano yung bagay na nahulog sa pool na papalutang na sa ibabaw.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na kung ano ang bagay na nahulog doon. Ang duguang kasambahay namin na nakataob.
"AAAHHHH!!"- kinakabahang sigaw ko at akmang tatakbo na ako pabalik sa loob ng bahay pero hindi ko na yun nagawa pa. Nahulog ako patalikod at una ang ulo nang masalubong ko ang isang napakalakas na suntok sa mukha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/124729264-288-k579472.jpg)
BINABASA MO ANG
Histrionic Psycopath of Class 10-B
HorrorThe Class 10-B end up fighting for their lives against their psychotic classmate who wants to kill all of them.