Lets Volt In

24 2 0
                                    

Hello po! Kung may nagbabasa man nito... sorry kung ngayon lang ulit nakapagupdate... si Mayon kasi, badtrip. haha..

Btw.. mamaya ulit maguupdate ako.. :)

Apat na ang namatay, whose the killer guys?!?! :)

__

THIRD PERSON's POV

Parehong mag-isa sina Phoemela at Lynn sa kani-kanilang mga bahay. Si Phoemela ay nakatirang mag-isa sa isang apartment. Gusto niyang makapag-aral sa sikat na paaralan na Lennington High na may mataas ding kalidad ng edukasyon kaya naman tiniis niya ang mawalay sa piling ng kaniyang pamilya na nakatira sa malayong probinsya.

Si Lynn naman ay mag-isa din sa kanilang bahay dahil dumalo ang kanyang mga magulang at kapatid sa isang okasyon. Hindi niya nagawang sumama sa nasabing okasyon dahil hindi maganda ang nararamdaman niya. Sinabihan niya ang kanyang mga magulang na kaya niyang pangalagaan ang kanyang sarili. Sinabihan niya ang mga ito na tumuloy sa nasabing okasyon nang hindi siya kasama.

Umupo si Phoemela sa sofa sa sala dala-dala ang isang Chippy. Nanood siya ng t.v. habang kumakain ng nasabing chichirya.

Lumapit si Lynn sa kanilang ref habang hawak-hawak ang isang basong tubig. Nasa ibabaw ng ref ang kanyang gamot kaya kumuha siya roon at ininom ito.

Biglang bumukas ang main door ng apartment ni Phoemela kaya napatili siya dahil sa gulat. "Bwisit na hangin to oh!"- inis na sabi niya. Lumapit siya sa main door at sinarado ito at linock upang hindi na ulit mabuksan ng hangin.

Bigla namang may nagdoorbell sa bahay ni Lynn kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay upang tingnan kung sino ang may kagagawan nun. Pagbukas niya ng gate ay bigla siyang napangiti nang makitang dumating na ang pinadeliver niyang pagkain.

Muling umupo si Phoemela sa sofa at ipinagpatuloy niya ang panonood ng t.v.

Muling pumasok si Lynn sa loob ng bahay nila upang kainin ang kanina pa niyang hinihintay na pagkain.

Biglang napahikab si Phoemela nang makaramdam siya ng antok pero halos mapatalon siya sa gulat nang biglang may narinig siyang nahulog sa loob ng kusina.

Sa sala kinain ni Lynn ang pagkain na ipinadeliver niya. Paborito niya ang pagkain na yun at gutom din siya kaya naman para siyang lalaki kung lumamon.

Binuksan ni Phoemela ang switch ng ilaw sa loob ng kusina at nakita niya sa sahig ang isang kawali. Kaagad siyang napatili nang makakita siya ng isang dagang tumatakbo sa ibabaw ng lababo papunta sa isang maliit na butas. "Nakakadiri na nga, nambibwisit pa."- inis ulit na sabi ni Phoemela habang pinupulot ang kawaling nahulog sa sahig.

Binuksan naman ni Lynn ang t.v. sa sala para malibang siya habang kumakain. Palipat-lipat siya ng channel dahil naghahanap siya ng magandang palabas.

Nang maibalik na ni Phoemela ang kawali sa dati nitong lalagyan ay lumabas na siya ulit sa kusina. Pumunta siya sa sala at agad na pinatay ang t.v. dahil nararamdaman niya na ang antok.

Nang mainis si Lynn dahil wala siyang mahanap na magandang palabas ay pinatay na niya ang t.v. Kinuha niya ang ipinadeliver na pagkain at ilinagay ito sa ref dahil busog na siya at bukas niya na lang ulit yun kakainin.

Umakyat si Phoemela sa hagdan habang humihikab. Umakyat din si Lynn sa hagdan habang umuubo.

Samantala, nakapasok na ang taong nakamaskarang demonyo sa loob ng bahay ng susunod niyang biktima. Nang matunugan niyang umaakyat na sa hagdan ang kanyang susunod na biktima ay kaagad siyang nagtago sa ilalim ng kama ng kwarto nito.

Pumasok si Phoemela sa loob ng kanyang kwarto at binuksan ang ilaw. Kaagad siyang humilata sa kanyang kama at ipinikit ang mga mata.

Pumasok si Lynn sa loob ng kanyang kwarto at binuksan ang lampshade sa side table ng kanyang kama. Dahan-dahan siyang humilata sa kama dahil sumasakit ang kanyang likod.

Histrionic Psycopath of Class 10-BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon