Tiwala

30 4 1
                                    

Pag ibig na siyang sandalan,

Sa mga panahong ito ang kasiyahan,

Nawawala rin sa isang kisap lamang,

Dahil sa tiwalang napabayaan.


Sadyang kay sakit isipin,

Na ako'y pinagdududahan rin,

Dahil sa nakaraang 'di kayang limutin,

Sa isipan mo'y pinipilit alisin.


Mapagbiro ang tadhana,

Ngunit 'di sa taong makikilala,

Sanay tulad ito ng tiwala,

Na marunong kumilala.


Mahal ako'y patawarin mo,

Pagkat labis na nagdurugo ang iyong puso,

Sa labis na pagdulot dito,

Nang matinding kirot at pagkabigo.


Nasa panahon tayo ng ligaya,

Ngunit pasensya at ako'y nagkasala,

Hindi naman ito sinasadya,

Talagang nagkulang tayo sa isa't-isa.


Sa pagtatapos nito,

Alam kong hirap kang ako'y patawarin,

Ngunit sanay maibalik ko,

Tiwalang pinakaingat-ingatan ko.


-----



AUTHOR'S NOTE: 

Naisulat ko ata ito mga limang taon na ang nakakaraan. 

Maganda naman yung hangarin ko sa pagtulong ko sa kaibigan ko kaso hindi ko naisip na masasaktan ko yung partner ko. Nawala na kasi sa lugar yung pagtulong ko. Imbes na maging masaya ay nauwi pa sa kawalan niya ng tiwala sa akin.

Enjoy, Lotus!

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon