Sarili ko'y nalilito,
Kung bakit ako'y ganito,
Naguguluhan at natutuliro,
Kung ako nga ba talaga ito.
Nang dumating ka sa aking buhay,
Mundo ko ay nagkakulay,
Nang umalon ay 'di na mawalay,
Dahil sa'yo ako nakaagapay.
Ginusto kong magbago,
Para sa iyo,
Ngunit akala ko'y magugustuhan mo,
At magiging mas masaya tayo.
Hindi ko namalayan,
Ang iyong biglaang paglisan,
Sagot sa aking katanungan,
Tunay na ako ba'y nawala na rin ng tuluyan.
-----
AUTHOR'S NOTE:
Sa pagkakaalala ko, hindi sa akin ang story na content ng tulang ito.
May kaibigan/classmate kasi ako na sobra ma-in love. Ang bilis ma-fall pero nawawala sa sarili at parang nag-iiba sa saming magkakaibigan kapag na-fall na siya.
Naranasan niyo na ba yun? Yung parang ibang tao ka na kapag nagmamahal. Yung gagawin mo lahat ng pagbabago basta mag-stay lang siya sa iyo?
Para sa akin, hindi naman kailangan na magbago ng sobra na aabot sa puntong hindi mo na kilala ang tunay na ikaw. Sapat na siguro ang mag-adjust lang sa sitwasyon dahil ibang-iba ang single sa in a relationship. Maraming obligasyon kahit hindi pa naman mag-aasawa. Lahat ng pag-unawa na nasa tama ay dapat iniisip rin.
Hindi man ako expert sa pag-ibig pero huwag naman sana umabot sa puntong tulad ng kaibigan ko na nakakalimutan na ang totoong siya para matanggap ng taong mahal niya.
Ano nga ba ang naging ending nila? Pagkatapos ng 3 months, nawalan na rin sila ng communication. Nalaman naming may girlfriend ng bago yung guy. Simula nun, hindi ko na naintindihan ang kaibigan kong yun.
-_^ - reaction ko habang binabasa ko ulit ito. HAHAHA! Corny ko talaga! Pagpasensyahan niyo na.
Love lots, Lotus!
BINABASA MO ANG
Words, Poems, Poetry
PoetryThis book is a compilation of my original writings. "Malikhaing kaisipan, hindi papatinag kanino man." Comment or message me sa mga magre-request. Enjoy, Lotus!