Ikaw, Naging Ako

8 2 0
                                    

Nandito na naman ako,

Nais maipahayag ang damdamin ko,

Para sa isang tao,

Na nagbibigay saya sa buhay ko.


Nais ko lamang na malaman mo,

Ang mga salita kong para sa iyo,

Na hinding-hindi maglalaho,

Dahil nakaukit ito sa bato.


Ako'y nagsusumamo,

Para ako ang mahalin mo,

Kahit alam kong mabibigo,

Susubukan ko at magpapakatotoo.


Tunay ang damdaming ito,

Kaya sana huwag mong ilayo,

Ang pag-asang sa iyo ay matuto,

Kung paano magmahal ng totoo.


Sana'y mapansin mo ako,

Mapansin kahit gaano kalayo,

Ang distansya ko sa iyo,

Ngunit ang suporta'y 'di magbabago.


Kasabay na ng pag-ahon,

Nang lumipas ang panahon,

Paghihintay ko ba'y magkakaroon,

Nang kaaya-aya at maayos na tugon.


Ako na ang lilisan,

Sa ating dalawa'y mang-iiwan,

Kahit ako'y masasaktan,

Basta alam ko ito ang iyong kasiyahan.


-----



AUTHOR'S NOTE:

Kung tama ang pagkakaalala ko, ang kwento nito ay tungkol sa isang lalaking nanliligaw sa babaeng gusto niya pero siya na rin ang sumuko sa dulo dahil alam niyang hindi na interesado sa kanya ang babaeng mahal niya.

Mag-iisang taon atang nanligaw yung kaibigan kong lalaki dun sa babae. Okay naman sila. Sobrang sweet pa nga pero ganun talaga kapag hindi para sa iyo ang taong minahal mo.

Simula nun, hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya. Lumipat na kasi sila ng bahay at hindi na nagparamdam sa aming lahat.

Kung mababasa at maaalala niya pa ito, sana magka-connection ulit kami. Sobrang swerte ng mamahalin niya.

Love lots, Lotus!

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon