Baliw Sa'yo

5 2 0
                                    

Bakit mo iniwan ng walang dahilan?

Sa'kin ba ika'y may pag-aalinlangan?

Ika'y mamahalin ko ng walang hanggan,

Kahit ano pa man ang pagdaraanan.


Anong kasalanan ang aking nagawa?

Bakit ba ako ay iniwan mong bigla?

Ako ba'y pinaglaruan ng tadhana?

O ito talaga ay iyong sinadya?


Sabi mo noon sa'kin, mahal mo ako,

Hindi kita iiwan, ang pangako mo,

Lahat ba ng iyon ay kalokohan mo?

Bakit nagawa mo ang lahat nang ito?


Gagawin ko ang lahat para sa iyo,

Mahal ko bumalik ka na sa tabi ko,

Mamahalin kita pangako sa iyo,

Huwag mo akong bitawan ng ganito.


Ang tulang ito ay para sa iyo lang,

Sana naman pahalagahan mo ito,

Mababago ko pa kaya ang isip mo?

Mahal pa rin kita, o sinisinta ko.


Kahit pa ako ay napaglaruan mo,

Nararamdaman ay walang pinagbago,

Kahit ilang beses mo pang saktan ito,

Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ito.


-----



AUTHOR'S NOTE:

Hindi ko ito original na gawa pero sa editing, kasama ako.

Gawa ito ng mommy ko para pwede ko ring magamit sa sasalihan kong contest ng pagsulat ng tula.

Unang beses kong magpatulong sa kanya sa ganitong bagay. Puro kasi mga family facts lang ang lagi kong tinatanong sa kanya at pati ang pagtulong niya sa akin noon sa pagsusulat ng notes. Tamad kasi ako magsulat. Hehe!

Miss ko ng gumawa kami ni mommy ng tula. Sana may pagkakataon ulit.

Love lots, Lotus! 

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon