Nasayang na Panahon

12 1 0
                                    

Lahat ng ito'y nagsimula sa "who you",

Kasunod ay napunta sa "nice to meet you",

At 'di nagtagal umabot sa "i love you",

Ngunit biglaang nagtapos sa "i hate you".


Kalungkutan ko noo'y iyong napawi,

Napalitan ng matatamis na ngiti,

Ba't ito'y nawala nang napakadali,

Ngayo'y nag-iisa't puno ng pighati.


Kay tagal na panahon rin ang lumipas,

Noong bigla mong naisip na kumalas,

Sa pagmamahalang walang halong dahas,

'Di tinupad gayong pangako sa taas.


Minahal kita ng lubusa't totoo,

Binigay lahat pati buong puso ko,

Ngunit bigla ako ay iyong niloko,

Ginawang sunod-sunurang parang aso.


abi noon sa akin ika'y seryoso,

Totoo ba mga salitang sinambit mo?

O pawang mga kalokohan lamang ito?

At ako lang ba'y pinaikot-ikot mo?


Tila ay malamig na ang aking gabi,

Hindi mapigilan ang aking mga ngiti,

Habang iniisip, ika'y nasa tabi,

Sana magkatotoo ang sinasabi.


Pagmamahal na agad mong pinagkait,

Nagdudulot sa akin ng sobrang sakit,

Kaya sa paraang ito idadalit,

Itong aking istoryang puno ng pait.


-----



AUTHOR'S NOTE:

Balik muna sa mga tula.

Mga 4 years ago ko ito naisulat. Sa totoo lang, hindi lang ako ang sumulat ng tulang ito. Meron kasi akong sasalihang contest nung time na yun kaso wala akong inspiration para gumawa ng tula o piyesa.

Mga limang tula ang kailangan tapos isa lang ang pipiliin ng teacher ko nun para maging entry ko.

Isang kaibigan ang tumulong sa sakin para simulan at ayusin ang mga salitang naiisip ko. Siya ata kasi yung may pinagdadaanan para sa taong nagugustuhan niya na hindi nagkaroon ng maayos na ending.

Parehas naman sila ng nararamdaman sa isa't-isa. Maayos naman sila nung una. Madalas pa ngang nagkukwento about sa mga happy memories nila pero hindi naman perfect ang story nila. Biglaan na lang nagbago si Girl sa kanya. Hindi na maintindihan kung ano na ba talaga ang meron sa kanina. At isang araw, napagod na lang sila pareho lalo na si Guy kaya tumigil na siya kahit masakit.


Kaya mga Lotus, tandaan niyo na kahit anong panahon meron na ang ghosting. Nauso lang ang term na yan ngayon pero matagal ng nangyayari. Huwag kayong mag-emote na kayo lang ang nakakaranas nun. Dapat mas maging masaya kayo kasi hindi kayo nagsayang ng mas maraming effort para sa hindi naman willing mag-effort para sa inyo.

Pwede ring bawasan ang pagiging marupok tulad ni Guy. Wala namang dapat sisihin pero kung ibabalanse ang lahat ng bagay ay mas maganda ang resulta sa huli.

Medyo bitter ba ang dating? HAHAHA! Ang corny ata ng author niyo ngayon.

Love lots, Lotus! 

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon