Katuparan sa Buhay

12 3 0
                                    

Kung iyong mamarapatin,

Nais ko lamang sambitin,

Ang mabubulaklak na awitin,

Ang pag-ibig ko sa'yo na binigyang pansin.


Mata mo'y nakahahalina,

Ilong mong napakaganda,

Labi mong kay pula,

Sana'y makasama ka sa twina.


Walang bagay ang hihigit,

Sa iyong wangis na kaakit-akit,

Ngunit sana'y makamit,

"Oo" mong masasambit.


Kahit gaano katagal,

Kahit gaano kabagal,

Ang panahong sagabal,

Sa atin ay patuloy na magmamahal.


Maghihintay ako,

Hanggang sa oras na pangako,

Upang ang kamay mo,

Ay mapasaakin ng buong-buo.


Maraming taon na ang lumipas,

Tila wala pa ring kupas,

Ang pag-ibig na wagas,

Sa ating mga mata'y nakabakas.


-----



AUTHOR'S NOTE:

Masyado akong in love nung naisulat ko ito pero hindi yan tungkol sa love story ko.

Sa Tita at Tito ko iyan. Sobrang cute kasi ng story nila. Yung tipong wala na sa isip ni Tito na makikita at makikilala pa niya si Tita.

Si Tito ang unang nag-text kay Tita. Hindi pa uso ang mga kung ano ano sa internet nung panahong magkakilala sila. Kaso, medyo matagal na pero hindi parin nagre-reply si Tita. Lampas na sa kalendaryo ang edad nila kaya hindi na umaasa si Tito na makakapag-asawa pa siya.

Ang galing na lang talaga ng timing ng tadhana na sa kanila dahil sa oras na masabi ni Tito sa sarili niya na hindi na siya mag-aasawa at tatanda na lang na binata ay siyang biglang dumating naman si Tita sa buhay niya. Nagparamdam at nagka-develop-an naman sila.

Saglit na ligawan lang at naging sila na. Wala pang isang taon ay ikinasal na sila. May secret wedding pa nga na naganap bago ang kanilang grand wedding.

January 26, 2002 sila ikinasal. Ipinanganak ako noong January 31, 2002. Kaya 18 years and counting na silang kasal at hindi ako mawawala sa pagbibilang dahil edad ko rin yun.

Sobrang cute ng story nila. Hindi ko na lang muna idedetalye dito. Souvenir ng kasal nila yung nasa picture. ^_^


Comment if gusto niyong gawan ko ng separate story ang kwento nila.

Love lots, Lotus! 

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon