Tibok ng Puso

25 3 0
                                    

Dahil mahal kita,

Hindi ko na kailangan pa,

Ng isang taong makakasama,

Kundi ikaw lang sana.


Hindi naman sa pinipilit kita,

Pero ikaw lang talaga,

Hindi ko lang kayang ipakita,

Na may iba na.


Alam mo ba na,

Sa tuwing kasama mo sila,

Masakit malaman na,

Mas masaya ka sa piling nila.


Mahirap na rin kasing umasa,

Sa salita mong mahal rin kita,

Kung ang nakikita naman ng aking mata,

Ay sa iba ka masaya.


Sana minsan mapansin mo ako,

Mapansin rin ang tinitibok ng aking puso,

Tibok na sayong sa'yo,

At pangalan mo ang sigaw nito.


-----



AUTHOR'S NOTE:

One week after ko maisulat yung "Tiwala", sinulat ko ito dahil sa request ng isang kaibigan. May crush kasi siya sa best friend niya. Ginawa niyang way of confession ang tulang ito. 

Naging sila naman pagkaraan ng apat na buwan. Nalaman kasi namin na may gusto rin pala sa kanya ang best friend niya. Takot lang silang mag-aminan dahil ayaw nilang masayang ang friendship na meron sila nang halos tatlong taon na. 

Ang huli kong balita sa kanila ay nag-celebrate sila ng one year anniversary nila. 

I hope, hanggang ngayon ay sila pa rin. 


Sana kung may balak gumamit ng tulang ito para magpahayag ng damdamin nila, nakikisuyo akong mag-message muna sana kayo para naman mabigyan ko kayo ng sariling tula. ^_^

Love lots, Lotus!

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon