Kahayupa-an (Kahahupan sa Kalupaan)

8 2 0
                                    

Anong meron sa sistema ngayon?

Onting kembot, may lalaking nagtatanggal ng kanyang saplot,

Onting gapang, may babaeng uuwi ng luhaan,

Paano pa kaya kapag iyong dinamihan,

Edi masyado ka ng makapangyarihan,

Kapangyarihan ng kamanyakan,

Kapangyarihan ng kalibugan,

Kaya naman maraming pinagpipyestahan,

Ang mga taong isa ring mapanlinlang.


Aanhin natin ang gwapo, kung isa namang gago,

Kahit nga hindi gwapo, nagagawang manloko,

Paano magseseryoso sa inyo,

Kung puro pambababae lang ang alam niyo,

Akala niyo ginagago namin kayo,

Dahil hindi kami umu-oo,

Bakit kami sasagot ng oo,

Sa isang taong puro lang pangako.


Social media, ginagawang magazine na ng iba,

Umabot na nga sa pornograpiya,

Dahil hubad mong katawan ang iyong ibinabalandra,

Tapos aakto kang biktima, dahil nabastos ka ng iba,

Eh sa una palang alam mong ganyan na ang sistema,

Hindi porket sexy ka, kapokpokan ang iyong ipapakita,

Nakakahiya ka, makuha lang ang pansin sa masa,

Kahit nilalamas ka na, sige lang kahit maruming babae ka na.


Hindi na uso si Ibarra at Maria Clara,

Kahit sino, pwedeng magahasa,

Walang pinipili, kahit saan, kahit kelan,

Basta tawag ng laman,

Siguradong walang sasantuhin yan.


Kahit may jowa na, nakukuhang tumingin sa iba,

Mas gwapo't maganda ang hinahanap nila,

Tapos ang lakas ng loob kapag babalik na,

Akala mong anghel na humihingi ng pasensya,

Sana kung may balak kang maghanap ng iba,

Sana nagpaalam ka muna,

Hindi yung manloloko ka, nadadamay tuloy sila,

Dahil ang mga taong pangmatagalan,

Nagagawang ipagpalit para sa taong panandalian.


Ganto na lang ang gawin mo,

Iparamdam niyong mas higit siya,

Yung tipong mararamdaman niya kung gaano siya nakakaangat sa iba,

Gawin mo siyang prinsesa,

Habang ang iba'y alikabok lang sa iyong mata,

Huwag ka ring maging tanga,

Huwag mong ipakitang may sasapat pa kesa sa kanya,

Kahit iba ang tipo mo na gustong makasama,

Pero nandyan na siya,

Mahalin mo na lang at makuntento ka na,

At iluklok mo siya bilang reyna,

Sa panahong pakakasalan mo na siya.

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon