Sining ang naging sandalan ng iba,
Kumpletos rekados ang kailangan sa kusina,
Marami ring nagpakita ng talento sa pagpipinta,
Hindi maikakaila na magaling tayong dumiskarte't lumikha.
Hindi lahat ay may sariling sasakyan,
Pampublikong transportasyon ang kinakailangan,
Ngunit marami ang nahihirapan,
Kaya trababo'y dinala na sa sariling tahanan.
Sariling kalusugan ang isinasakripisyo,
Kahit delikado'y tinutupad ang sinumpaang pangako,
Sa lahat ng nasa labas at sinusuong ang delubyo,
Katapangan at kalakasan, saludo kami sa inyo.
Pansariling kaligtasan,
Panlipunang katatagan,
Pagdaigdigang kasaganahan,
Pandemya, sana ikaw na'y lumisan.
-----
AUTHOR'S NOTE:
Hindi ko ine-expect na mananalo ako dyan. Sa totoo lang mga Lotus, medyo matagal ang preparation n'yan pero ginawa ko lang ng 2 to 3 hours bago ko i-submit/i-post sa group namin. Mas magaganda rin at mas pinaghandaan ang mga gawa ng kasama ko sa contest na yan kaya super thank you sa mga sumuporta.
Gusto ko lang magpasalamat sa Admins na naka-appreciate ng gawa ko. Mas na-inspire akong magsulat at magpatuloy sa pagiging writer.
PS. 1st runner up... yan po yung pinaka winner hehe. 1st to 3rd runner ups po ang ginawa nilang title.
THANK YOU SO MUCH.
HAPPY 3MONTHS!
Love lots, Lotus!
BINABASA MO ANG
Words, Poems, Poetry
PoetryThis book is a compilation of my original writings. "Malikhaing kaisipan, hindi papatinag kanino man." Comment or message me sa mga magre-request. Enjoy, Lotus!