Isang salitang,
Laging nabibitawan,
Ng mga taong nagkasala,
Sa isang taong mahalaga.
Labis rin akong nagdamdam,
Nang ika'y aking nasaktan,
Sana pagbigyan ang hiling ko,
Para masabi ang totoo.
Hindi naman ako nagsinungaling,
Bagkus gusto lang kitang pasayahin,
Ngunit iba pala ang dating,
Sa iyo ng aking paglalambing.
Paumanhin sa aking sala,
Patawad sa aking nagawa,
Alam ko na ako ang mali,
Pasensya na at ako'y nagsisisi.
-----
AUTHOR'S NOTE:
Naisulat ko ito dahil may tampuhan kami ng daddy ko. Hindi naman malalim na tampuhan pero hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad. Dinaan ko sa tula at dahil dun, nagkabati kami.
Bilang isang anak, madami na akong kasalanan sa parents ko. Mga simpleng kasalanan na hindi maiiwasan ng isang bata.
Lambingan na lang namin ng daddy ko ngayon ang mga bagay na dati ay dinaramdam ko. Sobrang laki ng pagbabago ng relasyon namin ngayon kumpara noon.
Binabasa ko ngayon ang gawa ko, medyo corny na hindi tama ang mga salitang ginamit ko pero alam kong totoo ang lahat ng salita sa tulang ito.
Thank you sa pagbasa. Comment your way of saying sorry. Malay niyo, may matutuhan ang ibang Lotus sa inyo. Malay niyo, ako rin matuto sa inyong mga Lotus.
Love lots, Lotus!
BINABASA MO ANG
Words, Poems, Poetry
PoetryThis book is a compilation of my original writings. "Malikhaing kaisipan, hindi papatinag kanino man." Comment or message me sa mga magre-request. Enjoy, Lotus!