Simpleng Pangarap

21 2 0
                                    

Ang pag-abot sa kanya,

Ay sadyang himala,

Lalo na sa taong walang tiwala,

Sa kanyang sarili na may kinukuha.


Bituing nasa kalangitan,

Nais ko sa aki'y magbigay daan,

Tungo sa dulo ng aking sinimulan,

Na pangarap para sa aking bayan.


Kahit anong pagsisikap ay gagawin ko,

Makuha lang ang gusto ko,

Para sa lahat ng taong nasa tabi ko,

At mga nagsisilbing gabay at patnubay ko.


-----



AUTHOR'S NOTE:

Katuwaan lang ito nung naisulat ko. Nasa tambayan kami niyan sa school tapos nagkayayaan lang na humugot. Masyadong lutang yung isip ko nung oras na yun kasi mababa ang score ko sa isang exam namin kaya nag-overthink ang inyong lingkod. HAHAHA! OA nuh!.

Huhugot na dapat ako kaso biglang may narinig akong naggigitara na medyo malungkot yung trip niya kaya tumula lang saglit.

After nung araw na yun, lagi na kaming may free verse / hugutan session.

Madaming magsasabi dyan na ang OA ng reaction ng author na ito. Aminado naman ako nun pero hindi na ganyan ngayon. Dahil naman sa pagiging OA ko nun, may tula kayong binabasa.

Simple pero may kwento.

Love lots, Lotus! 

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon