Maling Titig

11 2 0
                                    

Simula palang ay alam ko na,

Mali lahat ang aking ginawa,

Ngunit sinong nagsimula,

Ako nga bang talaga?


Alam kong nasaktan ka,

Nung araw na iniwan ka niya,

Witness pa nga ako 'di ba?

Dahil hindi niyo kayang mag-usap na dalawa.


Pagkatapos ay bigla kang lumapit,

Lumapit na tila sa akin ka na kumapit,

Kapit na sobrang higpit,

Kaya nama'y sakit na ang kapalit.


Mali na tayo naman ang magkasama,

Mali dahil kaibigan ko siya,

Ngunit ika'y nagsalita,

"Huwag mo akong iwan, maawa ka".


Alam ko ang sakit na iyong nadarama,

Dahil noon pa man ay gusto na kita,

Kahit alam kong maling titigan ka,

Wala akong magawa dahil mahal kita.


Ngayon, tayo na talaga,

Ngunit isip ay nalilito pa,

Sa maling titig nagsimula,

At ngayon, tinatapos ko na.


-----



AUTHOR'S NOTE:

Love moves in mysterious way nga naman. High school talaga ang crazy things kaya huwag kayong manghusga. Isa sa mga puppy love.

Nasa iisang circle of friends kasi kami at pinakamalapit silang dalawa sa akin noon. In a relationship silang dalawa kaso biglang nagkalabuan. Mga differences at mga ayaw sa isa't-isa.

Isang araw, nagulat na lang ako na kinausap ako mag-isa nung lalaki. Ang sabi, hindi na daw sila nagwo-work ni Girl at iba pang details.

Kinabukasan naman nun, si Girl naman ang kumausap sa akin. Same reasons pero sa babaeng side nga lang.

Hindi daw nila kayang mag-usap ng sila lang so third wheel ako at naghiwalay na sila. Simula nun, hindi na sumama sa grupo namin si Girl kaya mas naging close kami ni Guy.

Masyado kaming naging close na yung more than friends but less than couples. Medyo matagal rin kaso biglang dumating ulit si Girl kaya lumabo. Ayoko ng gulo kaya dumistansya na ko kaso hindi pa rin talaga sila nagkaayos.

Hindi ko na rin alam kung nasaan na sila but I am sure na masaya na rin sila like me.

Love lots, Lotus!

Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon