Tayaan Mo Naman Ako

8 1 0
                                    

Balik tayo sa dating tayo,

Sa dating masaya pa at walang halong lungkot,

Sa dating kasama ka at walang halong takot,

Takot na ba ka mawala ka at bigla na lang mapunta sa iba.


Mahal, salamat dumating ka sa buhay ko,

Binigyan mo ulit ng pag-asa ang katiting na ilaw sa aking puso,

Upang magmahal pa rin ng tapat at totoo,

Kahit paulit-ulit ng nasasaktan at nabibigo.


Mahal, salamat sa pagtatiyaga mo,

Dahil kahit napakakulit ko, natitiis mo ako,

Dahil kahit napakamatampuhin ko, sinusuyo mo lang ako,

Hanggang sa maging okay tayo.


Salamat kasi hindi ka nagsasawa,

Kahit paulit-ulit na nagseselos ako dahil sa kanya,

Hindi ko lang mapigilan dahil natatakot lang ako,

Natatakot na ba ka isang araw,

Hindi na ako laman sa puso mo.


At higit sa lahat,

Mahal, salamat sa pag-unawa sa akin,

Kahit mabilis akong magalit,

Kahit madalas moody ako dahil pagbabago-bago ng gusto ko,

Pero alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.


Pero mahal, bakit nagkaganito,

Paggising ko na lang ng isang umaga,

Iba na ang pakikitungo mo,

Yung lahat ng dati ay napalitan na,

Yung dating pang-unawa hindi ko alam kung nandyan pa,

At yung dating tayo,

Parang naging ako na lang mag-isa.


Mahal, nasaan ka na?

Bumalik ka na dahil ayokong maiwang mag-isa,

Na wala man lang kaalam-alam,

Kung bakit ka ba nagbago na lang bigla.


Mahal, pakinggan mo naman ako,

Dalawa tayo sa larong ito,

Kung saan tatlo ang pwedeng maging hangganan,

Masayang magkasama,

Parehas nagluluksa,

O isa lang ang nasaktan sa ating pagsasama.


Mahal, tayaan mo naman ako,

At ipanalo natin ang larong ito,

Nang magkasama at masaya,

Na tayong dalawa ang lumalaban,

Na tayong dalawa ang nahihirapan,

At gagawing sandalan ang isa't-isa.


Mahal, tayaan mo naman ako,

Kahit isang pag-asa lang para bumalik ang ako sa tayo.


Mahal, tayaan mo naman ako,

Dahil sa larong pag-ibig,

Kailangan ko ang ikaw at ako,

Para bumalik ang dating tayo.


Words, Poems, PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon