3

1.1K 59 2
                                    

3


ALEXANDER

"Hoy, gago! Akin 'yan!"

"Tumahimik ka! Ako bumili nito!"

"What the hell are you arguing?! Para kayong mga bata diyan!"

Anak ng butiki naman, oh. Ang ingay ng mga gago, buset!

Tiningnan ko agad sila ng masama isa-isa kaya tumahimik sila. Lumukot pa ang mukha ni Cj nang maagaw nung isa ang junkfood na hawak niya.

"Bro, di ka pa ba babalik sa SHU? Marami kayang chicks 'dun! 'Di gaya dito na puro pader makikita mo. Tsaka matagal- tagal na din simula nang pumunta ka dun." Nakangising sabi ni Kean na isa sa mga kaibigan ko.

Psh. Sabi nang ayokong pumunta dun.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang idamay 'yang si Xander sa mga kalokohan mo. Idinadahilan mo lang 'yang pagbabalik niya." Segunda naman ni Cj habang nakatuon ang atensyon sa nilalarong Mobile Legends.

Ang dali namang ma- divert ng atensyon nito. =_=

"Sus, parang 'di rin kasali, eh." Another retorted habang umiinom ng alak. Siya si Jin.

Napakunot-noo nalang ako dahil sakanila. Pinagsisihan ko tuloy na pinapunta ko sila dito. My plan is to refresh my mind. 'Yun pala, iinit lang ulo ko dahil sa pesteng pagbabalik SHU na 'yan. Kabwiset 'yan, eh.

Oo nga pala, before anything else, let me introduce myself.

Ako nga pala si Alexander Vernon Smith. 20 years old na ako. Isang pambihirang nilalang na nilikha nina Mr. and Mrs. Smith. Magaling 'ata sila gumawa at dinagdagan pa which are Allen Shakiro Smith and Arrixiannah Smith. 4 yrs. lang ang gap namin ni Kiro samantalang 12 yrs. naman kay Rixi. My mom told me once na meron daw akong nakakatandang kapatid na babae but don't know where she is. Palagi ko kasing inerereklamo sakanya ang pagiging older brother sa dalawa kong kapatid kaya hindi na siya nakatiis at sinabi na din sa'kin ang bagay na 'yun.

Ang hirap kayang maging kuya, noh! Sa'yo lahat ang trabaho sa pag- aalaga ng dalawang bubuwit. Tsk!

And of course, nagulat ako. Buong buhay ko naniwala akong tatlo lang kami pero meron pa palang isa. Sabi ni mom, mas matanda daw siya sa'kin ng isang taon. Alam na din naman 'to ni dad kaya wala na akong dapat pang ipag- alala. Ang ipinagtataka ko lang, bakit siya nawala? But I didn't bother to ask them about it anymore. Para namang sasagutin nila ako ng matino.

And what they're talking about kanina is tungkol dun sa pagbabalik ko sa SHU. Oo, sariling eskwelahan ko 'yun at pagmamay- ari ko pero di ako pumupunta at nag-aaral dun. I just did homeschooling. And yes, I didn't bother to step in that school even unto these days. It's not a big deal pero ewan ko sa mga ugok na'to at talagang pinipilit nila ako.

Ang hirap kayang gumising ng maaga. Tsaka nakakapagod din, noh.

"Yah! Ikaw rin naman,ah!" Parang batang maktol ni Kean kay Jin sabay bato ng junk food dito.

"Thank you!" Sigaw naman pabalik ni Jin nang masalo nito ang junk food.

Seriously? Why I am with these guys? Sa pagkakaalam ko kasi, ako lang ang may matinong pag- iisip dito, eh.

Kasalukuyan lang kaming nakatambay dito sa bahay namin, specifically sa hideout. Wala kasi kaming magawang apat kaya naisipan naming tumambay nalang muna dito. Hindi na rin naman nila kailangang bumyahe ng napakalayo dahil bahay lang naman namin 'to. Walang nakakaalam na may hideout kami sa bahay maliban sa tatlo. Even sina mom and dad ay walang idea kaya ayos lang. Tsaka ano namang paki nila diba? Pareho namang busy ang mga 'yun kaya 'di nila mahahalata at malalaman. Isa pa, matagal na din kaming magkakaibigang apat kaya parang wala lang sakanila na pumupunta-punta dito ang tatlo.

Arielle and EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon