6
JIN
"Well...it's for you to find out." Sabi ko kay Xander na nakakunot-noo.
Napatawa naman ako ng mahina nang makita ang reaksyon niya sa sinabi ko.
His face was priceless!
He's probably expecting na sasabihin ko sakanya ang lahat ng nalalaman ko. Well, no. Nagkakamali siya dun. Nakalimutan niya sigurong isa ako sa mga masikretong tao. I love to suspense people.
Bigla naman siyang tumahimik na parang may iniisip. Pinagmasdan ko naman siya. Alam kong pinipigilan niya lang ang galit niya kanina sakin. Usually, manununtok na agad 'yan kapag nabwibwisit. I was surprised hindi niya ginawa 'yun. His rank is one of his most treasured things kaya hindi na ako magtatakang ganun nalang ang galit niya nang malamang napalitan ang pwesto niya. Kahit nasa 2nd rank siya, hindi pa rin 'yun sapat. I was quite surprised na nakuha ang pinaka-iingatang pwesto niya sa isang babae. Wala naman akong napapansin na babaeng ganun katalino para malampasan kahit si Xander.
Or is it just my imagination?
Alam ko ring meron na siyang iniisip na paraan para mapabagsak ang nasa rank 1. Knowing him, he will do everything to prove his worth. And to take what he wants.
To be honest, hindi siya ganun katalino. Mas gusto kasi niya ang outdoors. He is ill-behaved, cold, and an indecorous boy. Noong hindi pa nawala ang lost heir, palagi silang magkasama. I always thought na may namamagitan sakanila pero imposible naman kasi mga bata pa kami nun. Tsaka isa pa, napaka- bad boy ni Xander para matutong magkagusto.Wala din siyang pakialam sa school stuffs since he always gets into fights. Bata pa lang kasi kami, trained na kami sa mga skills and tactics sa pakikipaglaban. Xander and the lost heir excelled in that stage. Mas malakas pa nga ang lost heir, eh.
Distant din si Tito sakanya dahil sa attitude niyang 'yun. Kahit bata pa si Xander, mature siyang mag-isip, 'yun nga lang hindi siya marunong humawak ng kompanya. Basagulero at iresponsable, 'yun ang tingin ni tito sa panganay na anak. Gusto kasi ni Tito na maging responsible siya at hindi 'yung pambabasag- ulo lang ang nalalaman. Siya ang panganay kaya expected na na siya ang hahawak sa mga kompanya ng Dad niya. But, Xander paid no heed. That's why, mas lalo pang nagalit si Tito sakanya.
Pero noon, 'yun. Iba na ngayon.
Nagbago si Alexander. After an incident, nawala ang basag-ulo at iresponsableng Xander. 'Yun nga lang mas lalo siyang naging cold at distant sa mga tao. Ayaw na ayaw niyang makipag-usap o makihalubilo unless worth it kausapin ang taong 'yun. He is completely the opposite now. Dun lang din namin na-discover na matalino pala talaga siyang bata, hindi lang niya nagagamit ng maayos since palagi siyang nakikipag-away. Mataas ang IQ niya at hindi na kailangang magsunog ng kilay para makakuha ng matataas ng grades. Masipag na siyang mag-aral, pero hindi ganun kasipag na talagang puspusan talaga.
Ginawa na din niya lahat para makuha ang tiwala ng Dad niya. Sakanya kasi isinisisi ang pagkawala ng lost heir kaya hindi naging madali para kay Xander ang makipag-reconcile kay Tito. At kapag ganun, walang moral support.
I was quite wondering kung anong epekto ng pagkawala ng Lost Heir sakanya? Para kasing wala lang siya 'nung nalaman naming nawawala ang babaeng minsan naming nakakasama.
But the hell I care? Feelings niya naman 'yun.
Hindi din talaga siya ganun kabait sa Dad niya. Minsan nga tinatawag niya 'yun ng'tanda' at 'hukluban'. Sinasagot-sagot at kung ano ang pinagsasabi kapag nakikipag-usap ng matino. May saltik kasi siya minsan.Tss.
BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
Dla nastolatkówArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...