12
ALEXANDRA
Maghigit isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng 'yun. I week since I saw the weird handkerchief and don't even know who the damn owner is. And luckily, hindi na 'yun nasundan.
I have concluded na dahil sa panyong 'yun kaya nangyari ang nakakabaliw na pangyayaring 'yun kaya war muna kami ng panyo. Bala siya sa buhay niya.
Buti nga lang at hindi na nagtanong-tanong si teacher kung bakit nabasa ang plastic ng Mcdo. Hinugasan ko kasi, eh. Puta, muntik nang mabasa 'yung burger at fries baka isipin ni teacher nilawayan ko pagkain n'ya. Tsaka pa-hard to get ang dugo, eh daig pa ang regla ng babae.
And pertaining to the incident again, wala akong sinabihan. Kahit ang mama ko. Baka kasi kung anong isipin niya kaya kailangan ko ding mag-ingat.
Kasalukuyan din akong naka-nap ngayon habang nakikinig ng music. Kairita kasi 'yung mga boses ng mga kaklase ko, kung anu-ano ang pinagsisigaw. Daig pa mga tindera ng balut at kwek-kwek sa labas.
Well, hindi naman talaga ganun ang kalakasan sa volume ng earphones ko kaya naririnig ko pa rin ang mga kaganapan sa paligid. Isa pa, hindi ko rin magawang matulog dahil mas malakas pa ang mga sigaw nila kesa sa music.
Marami akong iniisip at nabu-bwisit ako dahil hindi ako nakakapag-isip ng maayos dahil sa mga kairitang boses nila.
Letse, sino ba kasi 'yung mga nakaitim na 'yun?!
"Oh, gosh! Girls, nandito na silaaaa!" Rinig kong sigaw ng mga kaklase ko na pumutol sa mga tanong ko sa isipan. Sumigaw na din ang mga kaklase ko dahil sa narinig.
"And you can't believe this, kasama nila ang asawa kong si Primary! Waah! Malalagutan na ako ng hininga! Malalagutan na ako!" Pagsisigaw niya at nag-wild na ang mga kaklase ko.
Jusko talaga. Oo, malalagutan ka! Malalagutan ka ng mama mo dahil puro ka kalandian dito! Taena 'to sarap ihulog sa kanal. Ang harot!
Bumangon ako mula sa pagkaka-nap at isa-isang tiningnan ang mga kaklase ko. Maka-tingin nga sa kanila.
Ano bang pinag-uusapan nila?
"Yeah! And he's studying back in here! As in dito sa SHU!" Another female seconded kaya naningkit ang mga mata ko. Ano daw?
HE? Who's that HE?
Jusko. Ano na naman bang kababalaghan ang pinag-uusapan nila na kahit ako ay walang alam?
"Yah! I'm sure dito sila babagsak!"
"What do you mean sila? Pati 'yung tatlo ililipat dito?"
"Posible. Kasi diba, bumalik na ang Primary so that means, babalik na din ang tatlo sa karapat-dapat nilang sections. And you know naman na ito ang pilot class at matatalino sila kaya for sure, dito sila babagsak." Saad ng isang babae na sinangayunan naman ng lahat.
Seriously, what are they talking about? Para silang nag-uusap ng isang seryosong kaso, eh .
"Oo nga. Tsaka sa tingin niyo, ano kayang reason kaya bumalik ang Primary? Hindi naman siguro voluntary. We all know how much he loathes going to school." Takang tanong ng isa pa.
Primary? Ano 'yun?
Tumahimik silang lahat at napansing kong lumipat ang mga tingin sakin.
Letse, anyare? Ba't nasali ako mga tol?

BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
Fiksi UmumArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...