8

861 50 5
                                    

8


ALEXANDRA

Nagising agad ako nang marinig ang ingay mula sa alarm clock. Ayoko pang bumangon kaya tinakpan ko ang tenga ko ng unan. Titigil din naman 'yan kalaunan, eh.

Psh. Inaantok pa ako...

Nang hindi pa rin ito tumigil ay bumangon ako at kinuha ang alarm clock.

"Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumahimik?!" Singhal ko sa alarm clock na hindi pa rin tumitigil sa pag-iingay.

Ay, shit. Ba't ko ba sinigawan? Nababaliw na 'ata ako. Leshe.

"XANDRA! GISING NA 'JAN!" Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw ni mama sa ibaba.

Isa pa 'tong magaling kong nanay, eh. Daig pa alarm clock kung makasigaw. 'Kala mo naman nasa kabilang building ako natutulog. Tss.

"Bumangon na!" Agad na sigaw ko at pinatay ang ingay sa alarm clock.

Nag-unat unat ako at iniligpit muna ang kalat sa kama bago tumayo. Napahikab ako nang sulyapan ang alarm clock at nakitang 7;30 a.m. na pala.

Ganun? Inaantok pa nga ako, eh. Nubayan.

Sumakit pa yata ulo ko. Marami kasi akong iniisip para bukas.

Oo, bukas. Bukas na kasi ang simula ng klase namin. Pero di pa 'ata ako ready. Kulang pa 'yung dalawang buwan na bakasyon namin, eh. Bitin na bitin pa ako. Kapagod kaya gumising ng maaga. Tss.

Pumunta ako sa banyo para maligo. May lakad kasi ako ngayon. May pupuntahan lang naman ako.

Habang naliligo, sumagi na naman sa isip ko 'yung panaginip ko kagabi. And the usual nakakabwisit dream na naman. Ano pa bang aasahan ko? Sirang palaka po ang utak ko,eh.

May nakikita na naman kasi akong dalawang bata na nasa playground. This time nga lang, may mukha, pero hindi clear.

"Balang araw, Arrielle, babalik ako. At sa pagbabalik kong 'yun, sisiguraduhin kong..."

Tanda ko pang sabi nung batang lalaki sa kaharap niyang batang babae bago dumilim ang paligid.

'Yun din 'yung palaging sinasabi nila sa mga nakaraang panaginip ko.

At naputol na naman.

Lesheng panaginip, eh. Nakakabadtrip. Ano ba kasing meaning ng mga 'yun? Tsaka bakit ba ako? Why me? Ang mas nakakabwisit pa, palaging binibitin. Pinuputol palagi, eh! Sarap hambalusin 'yang taga-gawa ng panaginip. Kung meron man. -_-

"BABA NA, XANDRAAA! KAKAIN NAAA!"

Sigaw na naman ng nag-iisang nanay ko.

Peste. Ingay-ingay na talaga. O.A. na masyado ang sigaw niya. May balak pa 'yatang mapaos. Hindi ba niya naa-appreciate ang katiwasayan ng aking umaga? Isantabi nalang 'yang bwisit na panaginip na 'yan nang mabuhay naman ako ng tahimik.

Nakakarindi na.

"Oo na! Sandali lang!" Nakabusangot kong sigaw pabalik at tinapos na ang pagliligo. Nagbihis na ako agad at bumaba na ng kwarto.

"Good morning! Nagluto ako ng paborito mo." Nakangiting bati niya sa'kin nang makaupo na ako.

Tinanguan ko lang siya at 'di na nag-abalang bumati pagkatapos ay kumuha ng plato.

Sama ko ba masyado? Well, wala na 'yang problema kay mama since nasasanay na rin siya sa'kin. Minsan lang din kasi ako bumati. At wala ako sa mood ngayon para bumati. Since nasira na din ang araw ko sa nakakabwisit dream at O.A. niyang pagsisigaw na akala mo mamamatay ang pagkain kapag hindi agad ako bumaba.

Arielle and EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon