17

45 3 1
                                        

17


Maaga akong nakarating sa SHU ngayon. Sinigurado ko talagang maaga din ako nagising dahil baka hindi na naman ako makaabot sa mga jeep, mahirap na at ma-late pa ulit ako. At dahil maaga pa naman, napagpasyahan kong dumiretso nalang muna sa dati kong tambayan.

It's still 6:45 am. Alas otso ng umaga kadalasang nagsisimulang dumami ang mga estudyante at 15 minutes after naman ay magri-ring na ang bell hudyat na simula na ng mga klase. Pero dahil alas sais pa naman, hindi pa gaanong madami ang nga estudyanteng nandito. Medyo maliwanag na rin at may araw na sa langit pero sobrang tahimik pa rin ng paligid. Tanging tunog lang ng mga naapakang tuyong dahon ang naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa kabilang building.

Abandonado na ang parteng 'to ng SHU at walang estudyanteng pumupunta dito. Medyo malayo na din 'to sa building ng mga college at high school students. Isang masukal na kakahuyan lang ang makikita dito na sobrang tahimik at isang building na hindi na ginagamit kaya wala ni isang pumupunta. But that won't stop me from discovering one of it's gem.

Kaunting lakad pa sa 'di kalayuan ay makikita ang isang lawa at malawak na hardin. I'm not sure if anyone has already discovered this part dahil wala akong nakikitang tumatambay dito maliban sa'kin. Pakiramdam ko nga ay may nakatira malapit dito dahil mukhang alagang-alaga ang mga tanim at bulaklak sa paligid. The small pond is always glistening in clear water, the flowers around it were perfectly blossomed. Even the trees were all so healthy and green. Mapapansing alagang-alaga ang lugar na'to sa kung sino mang nakatira dito. Unfortunately, sa ilang beses at sa tagal ko nang pagpunta dito, I haven't seen anyone who lives here. Baka abandunado na nga talaga 'to at maganda lang talaga ang lugar dahil walang pumupunta.

Pumili ako ng magandang puwestong masisilungan ko mula sa init ng araw. Umupo muna ako at inilagay ang bag sa gilid ko. Then I roamed my eyes around the place and inhaled the sweet breeze. Sobrang tahimik ng palagid. It felt so calming. Only the gustling of the leaves and the gentle swaying of the trees were heard. Ang sarap sa pakiramdam na pumunta ulit dito after how stressful the past days were. The tranquility in this place just makes my mind relaxed.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumingala. I stared at the bright sky and the tree shading me from the sun above while a thought crossed my mind. Kagabi, wala akong napanaginipan, it's blank and just pure black. Hindi mahimbing ang tulog ko at putol-putol 'yun dahil nagigising ako nang hindi ko alam in the middle of the night but I never really had a dream. And it was confusing dahil lagi akong may panaginip, specifically that dream na kinaiinisan ko nang sobra.

Well, it's not that I'm glad of having that dream, it's just that, sobrang nakakapagtaka dahil bago 'to sa'kin at ngayon lang 'to nangyari. Well, siguro dahil lang 'to sa marami akong iniisip. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa isip ko tungkol sa mga nangyayari at pinaggagawa ko sa mga nakaraang araw kaya hindi ako nagkaroon ng panaginip. I was tired and exhausted when I got home. At kahit na maaga akong umuwi dahil nag-cutting ako, hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa dami ng iniisip ko. Isa na dun ang nangyari kahapon at ang mga bagong dating sa SHU.

That stupid toro and his stupid friends.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin dahil sa ginawa ko sakanila kahapon pero wala na talaga akong paki. I am certain na pinagpaplanuhan na ng mga 'yun ang burol ko dahil sa pagpapahiyang ginawa ko sakanila but I never really felt afraid about it. It just made my life this year an extraordinary one. Wala akong ideya sa kung ano ang kaya nilang gawin sa'kin dahil hindi ko pa naman sila kilala but I'm sure na kaya ko rin silang gantihan in any way.

Anyways, it's exciting. Hindi na magiging boring ang buhay ko.

Gusto kong makita kung talaga bang nakakatakot at hindi sila ordinaryong gangsters. And, well, to prove the saleslady's story regarding their true sides. Masyado kasing hindi kapani-paniwala ang markang ipinakita niya sa'kin kaya nagdalawang-isip ako kung papaniwalaan ko ba o hindi.

Arielle and EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon