5
"You remember placing 1st on the Golden List, right?" Paunang tanong ni Jin sa'kin.
Napataas ang kilay ko sa tanong n'ya. Ano bang klaseng tanong 'yan? Alam kong alam niyang ako pa'rin ang nasa top rank.
Unless...
"What about it?" Balik- tanong ko sakanya na halata ang pagtataka sa boses. Bumibilis na rin ang pagtibok ng puso ko.
Shit! Bakit kinakabahan ako?
"Sumagot ka nalang kung gusto mong ipagpatuloy ko 'to." Inis na sabi ni Jin at matalim akong tiningnan.
The nerve! 'Di porket na blackmail na niya ako, gaganyanin na niya ako. Damn him!
I nodded and listened to what he's saying. Tahimik lang sina Cj at Kean kaya sigurado akong si Jin lang ang nakakaalam sa bagay na'to. Tss. Palagi naman siyang misteryoso, eh. Keeping things to himself is his specialty.
And about the Golden List, rina- rank kasi lahat ng mga estudyante sa SHU according to their grades sa apat na periods. Dinadagdag na rin dun ang mga moral records at curricular activities para mas mapataas ang grades mo. Kung wala kang ni isang issue or records-the really worse ones-at matataas ang grades mo, ibig sabihin may possibility na maisali ka sa Golden List. Pambihira lang kasing may naisasali dun na walang issues. Kadalasan talaga meron. Just like what Jin said, they're juveniles.
At oo, kasali ako dun. The last time I checked, nasa 1st place pa rin ako. Kahit na nagpapa- tutor at sa bahay lang ako nag- aaral, recorded pa rin lahat ng mga ginagawa ko sa school. That is what the old man has commanded them. Pinayagan niya akong hindi pumasok at manatili lang dito pero sa isang kondisyon, 'yun ay ang gawin parin ang mga ginagawa ng isang normal na estudyante. Dahil kahit na pagmamay-ari ko ang SHU, dapat meron din akong ikakabuga. It's a shame to possess one of my dad's companies if I'm a futile son. I'm the eldest so they'll expect I'll run the company as good as my dad did. Although totoong may nakatatanda akong kapatid, she is still nowhere to be found so they decided to give it to me.
Kahit na alam ng matandang 'yun na hindi ko kaya. Of course, sakanya nanggaling ang pagkamatigasin ko kaya matigas din siya. 'Di nagpapatinag kahit gurang na gurang na. Kung ano ang gusto niya, nasusunod. Idagdag niyo pa ang paninisi niya sa'kin. Psh.
"Tungkol ba dun ang pag-uusapan na'tin?" Tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Tumango naman siya at nagbuntong -hininga.
Si Jin kasi ang taga- report sakin sa mga nangyayaring kababalaghan sa SHU. Pati na rin ang Golden List ay s'ya lang ang nakakaalam sa aming tatlo. Wala namang pakialam ang dalawa sa List kaya kung gumawa ng gulo, wagas. Pero kahit ganun, matatalino at magagaling ang mga unggoy.
Pagkatapos kong grumaduate sa elementary sa SHU at nagkaisip ay hindi na ulit ako pumasok dun at tumigil sa pag- aaral.
Dahil sa mga rasong... hindi na muna dapat i-bring up.
Not until the old man decided to give the school to me at pabalikin ulit ako sa pag- aaral pero nasa bahay pa'rin ako. Nagpatulong na din ako kina Jin kung paano mamahala ng kompanya since kahit bata pa sila ay may namamana na. And, well, because they are used to it. Pati na rin ang pagbabantay sa SHU ay ibinilin ko sakanila. I hate to say this but... ako kasi ang pinakabata sa aming apat kaya sa panahong 'yun ay wala akong ideya tungkol sa pagpapatakbo ng kompanya.
And do you expect the old man will teach me? Tss. Himala nalang kung mangyari 'yan. Iniisip ko ngang hinahamon niya akong gawin ang isang bagay na alam naman niyang hindi ko magagawa. He's challenging me, obviously.
![](https://img.wattpad.com/cover/123284031-288-k613832.jpg)
BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
Подростковая литератураArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...