2
ARISXANDRA
Dumiretso na din ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain para magkulong. Hindi ko naman hilig ang maglakad- lakad tuwing summer kaya palagi nalang akong nagkukulong sa bahay. Sa buong summer, 'eto lang ang ginagawa ko. Ang magkulong.
Daig ko pa nga ang nabroken- hearted sa pagkukulong ko, eh.
Ewan ko na rin kung nas'an si mama pagkatapos 'nung nangyari kanina. Hindi ko na alam kung sang lupalop na 'yun nagsuot. Sigurado naman akong babalik din 'yun maya-maya.
Oo nga pala, dada ako ng dada dito pero di niyo pa alam pangalan ko. Ako nga pala si Arisxandra Crystelle Mendoza. Xandra ang tawag sakin ni mama sa bahay same as in school. Pero pwede na ring Xan kung masyado na kayong nahahabaan. O di kaya ay X kung tinatamad na kayong sabihin ang pangalan ko. Tatlong taon na din akong nag- aaral sa Smith- Heathens University. It is a prestigious school kung saan maraming artista at mayayaman ang nag- aaral. Swerte dahil nakatagal ako dun ng ilang taon dahil gaya nga ng sinabi ko, maraming di kaaya- aya at kababalaghan ang nangyayari sa eskwelahang 'yun.
4th year High School na din ako ngayong pasukan. At kung minamalas ka nga naman, inabutan ako ng K-12 program na 'yan kaya may dalawang taon pa ako para matapos ang high school.
I am 17 years old at walang kapatid. That explains kung bakit dala- dalawa lang kami ni mama sa bahay. Wala si daddy dito sa Philippines dahil may inaasikasong trabaho sa London. Matagal- tagal na din siya nandoon kaya hindi ko siya maiwasang ma-miss. Nakakapagtaka nga kay mama dahil ni minsan ay hindi niya nabanggit sa'kin ang pagka- miss niya kay papa. Well, baka tinatago niya lang at dinadaan niya lang sa pagloloko.
Oo, tama kayo ng nabasa. Kahit matanda na si mama, nagloloko pa rin 'yan. Hindi sa paraang nanglalaki siya, ah. 'Yung utak niya kasi parang bata. Nakikipagloko sakin 'yan kahit na di ako sumasakay sa trip niya.
Huli kong nakita si dad nung 15 years old ako, 2 yrs. ago. Birthday ko nun and he even throwed a party for me. Nakatira lang kami sa isang subdivision malapit sa school para daw hindi ako mahirapang bumyahe. Isang sakay lang naman bago makapunta sa school. Although marami kaming bahay sa iba't- ibang parte ng Pilipinas, mas pinili naming tumira sa isang subdivision. Yeah, mayaman kami. Pero hindi 'yun alam ng nakararami. Pinalabas lang namin na isa kami sa 'average' na pamilya. Mahirap kasi pag mayaman ka at nag-aaral ka sa SHU. Maraming tao ang mananamantala sa'yo.
Simple lang din naman akong babae. Kahit na maganda akong nilalang, hindi ko naman pwedeng ibalandra na lang 'yun ng ganun- ganon, noh. Sila na bahala mag discover na mala- dyosa pala ang kagandahang taglay ko. Ayokong ipamukha sa lahat ng tao ang kagandahan ko 'di gaya ng mga babaeng nandoon sa school ko. Kulang nalang isang sinulid ng tela ang suotin maipakita lang ang hubog ng mga katawan.
Well, 'yun nga kung may hubog sila.Tss.
Katamtaman lang ang height na meron ako. I have that black waist- length hair na bagsak na bagsak. Maputi ako at mataas din ang ilong. At syempre, idagdag mo na din ang mga asset naming babae. Ang figure sa katawan.
At sa lahat ng pwedeng sabihin ni mama na magandang katangian na meron ako ay ang mga mata ko. Sabi kasi niya kakaiba daw ang mata ko. Kung titingnan mo, para lang siyang ordinaryong hazel brown na kulay. Pero 'pag tinitigan mo ng maigi, asul naman daw talaga. Ewan ko lang kung nagsasabi siya ng totoo o pinagloloko niya lang ako dahil ako mismo ay hindi ko nakikita 'yun. Kahit na pagkatitigan ko pa 'to sa salamin, o di kaya ay tingnan sa malaking magnifying glass ay wala ni isang katiting ng asul ang nakikita ko. Hindi ko nga rin alam kung 'san ako nagmana kung ganun nga ang kulay ng mata ko, hindi naman ganun ang kulay ng mata ni mama at papa.

BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
General FictionArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...