13
ALEXANDRA
"Guys, stop those nonsense rants! We know for a fact na nandito ang Lost Heir!" Sigaw ng isang babae kaya napukaw ang atensyon ng lahat at napatigil sa pagsasalita.
Napatigil din ako at napa-taas ang kilay. Tokwa, ano daw? Parang nawala ang pagkalito ko sa nangyari kanina, eh. Pinagsasabi niya?
"The Lost Heir is here?" Manghang sagot ng isa sa mga estudyante.
Lost heir na naman? Letse!
"Yeah, mind if I introduce her to all of you?" Excited na tanong nito sa mga kaklase ko.
Napaligon ako sa babae at namukhaan ito ng konti. Is she the Queen B's alipores? Ano na namang pakulo nila tungkol sa lost heir thing na 'yun?
"You know her? Sino?" They eagerly asked kaya mas lalong lumaki ang ngiti ng babae. Tumahimik siya at inilibot ang tingin sa paligid para masigurong lahat ang nakikinig. I saw a glint of excitement and happiness in her eyes when she saw a student recording the scene. Pagkatapos nun, huminto ang mga mata niya sa'kin.
Bago siya nagsalita, tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. May sinasabi ang mga titig niya, she's telling me to shut up.
Nginisihan ko lang siya. Nabalik sa isip ko ang usapan nila kaninang umaga sa restroom.
---
Papunta ako sa restroom ngayon dahil sa pagtawag ng kalikasan sa'kin. Nagdadasal ako na sana liquid particle o di kaya gas ang lumabas at hindi solid dahil 'di ako ready pag -nagkataon. Baka kasi may maka-rinig sa mahiwagang paghahasik ko ng lagim sa restroom at mapapatay ko.
Nang papunta na ako sa restroom, nagulat ako nang naglabasan ang sa tingin ko ay takot na mga babae. Freshmens ata at 'yung iba ay nasa lower years. Mabibilis ang mga lakad nila habang taka kong tiningnan ang lugar. Ano bang nangyayari dun?
Nakayuko pa ang isa habang naglalakad kaya sinadya kong magpa-bangga. Kailangan ko nang mapagtanungan, eh. No choice.
Umangat ang tingin niya at kita ko ang takot nito nang matagpuan niya ang mga malalamig kong titig.
"P-Pasensya na p-po. H-hindi po kita n-napansin." She nervously said while still avoiding my stares. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tiningnan ulit ang papalabas na mga estudyante sa restroom.
Napa-taas ang kilay ko nang marinig ang isang sigaw kasabay ng malakas na pagsara ng pinto. What's happening in there?
Papaalis na sana ang babaeng kaharap ko nang hawakan ko ito sa braso na siyang ikinapitlag nito. "What's going on?" Malamig kong turan sakanya.
Kinakabahang tiningnan niya muna ako bago nagsalita."B-bawal daw p-pong pumasok d-dun sa restroom." Ano? Bakit na naman?
"Why?"
"H-hindi ko po alam. 'Y-Yun lang po ang sabi ng i-isang babae sa l-loob , eh." Utal-utal nitong sagot at 'di mapakaling binalikan ng tingin ang restroom.
What's going on in there at kailangan pa talagang paalisin ang mga estudyante? Restroom nga diba? Sapak ko sakanila faucet diyan, eh.
"Okay." Maikli kong sagot. Bahala sila dun. Kailangan ko na talagang pumasok. Emergency 'to.
Humakbang ako papasok sa restroom at napatigil nang magsalita siya ulit. "'S-san po kayo p-pupunta?" Takang tanong nito pero kinakabahan pa rin.
BINABASA MO ANG
Arielle and Eclipse
Teen FictionArisxandra, a cold woman striving to find her concealed identity. Eclipse, a group of young men set on a mission to find their lost heiress. All were on a quest on finding something yet there's no assurance that either of them would succeed. Would t...