9

618 29 2
                                    

9


Agad akong tumayo at tinungo ang Golden Elevator para puntahan ang pinakamataas na floor. Base kasi sa Map ng mall na nakita ko, nandun 'yung office for announcements or sa pagpa- page. At kung nagkakamali man ako, madali lang para magtanong- tanong.

Basta, bahala na ang aking angking kagandahan.

Habang nasa elevator, napaisip ako.

Pa'no kung nakalabas na siya ng mall? Pa'no kung nag- page na'ko at nalaman niyang ako ang tumawag sakanya, hindi siya sisipot? Pa'no kung baliktarin niya ang sitwasyon namin at ako ang ipadakip niya?

And most importantly, pa'no kung hindi ko na ulit 'yun makita? Edi mapapasakanya na ang libro?

"Damn it! Damn that mushroom!" Sigaw ko at sinabunutan ang buhok nang ma-realize kong nasa elevator pala ako at maraming tao sa loob.

Inikot ko ang tingin sa loob at nakita ang nakaka-buset na tingin nila. Inirapan pa ako nung babaeng mukhang ka-edad ko lang.

Tang'nang lalaki 'yan. 'Pag nakita ko talaga siya, pakakainin ko siya ng libo-libong poisonous mushrooms nang magsama sila ng mga kamag-anak niya! Tokwa, nakaka badtrip siya.

Ako nalang ang natirang tao sa elevator kaya medyo nakahinga na ako ng malalim. Akala ko mamamatay ako sa titig nila kanina. Kulang nalang kuyugin ako para ipadala sa mental, eh.

Gago kayo. Sumbong ko kayo kay Harry Potter, eh. Patitigokin ko kayo.

"Miss, may kailangan akong i-page." Sambit ko sa babaeng nasa front desk. Tingin ko kasi siya 'yung tumatanggap ng announcements and paging base sa sign na nandun sa lamesa.

"For what reason po, Ma'm?" Magalang niyang sagot at may ti-nype dun sa laptop niya.

"I lost some of my stuffs. May kasama akong kabu-I mean, lalaki pero nawala siya bigla. He must've got my things. I called and texted him but he's not available." Pagpapalusot ko hoping it would work.

""What belongings have you lost, Ma'm?" Tanong na naman niya.

Jusko, kailangan ba pati 'yan malaman niya? She can just give me the damn mic and let me page. Siguradong akong nakalabas na ang kabuteng 'yun 'pag nagkataon.

"Something personal." I coldly said. Sana ma-gets niyang kailangan ko nang mag-page.

Akala ko matatapos na ang madugong interrogation niya pero tinanong niya pa ako kung anong pangalan ko, ilang taon ako at kung anong ginagawa ko sa mall nila.

Amputs. Ano bang pakialam nila sa edad ko? At pati purpose ng pag-punta ko sa mall nila kailangang malaman? Ibang klase talaga.

"What's the name of the person?" Tanong pa ulit niya ignoring me.

Taena. Kailan pa ba matatapos ang lesheng interrogation na'to? Na bubwisit na ako, eh.

"His name? U-uhm..." Nauutal kong sabi trying to figure out what to say. Aba,malay ko bang may pangalan pala 'yun.

Pa'no ba gawing pangalan ang Magnanakaw na Asumerong Kabuteng Bingi?

"Mushy. Mushy Deaf." Sagot ko na ikinagulat naman niya.

Well, sorry nalang. Wala na akong maisip na ipapangalan sakanya. And it fits him so well. Tsaka mukha namang pang-foreigner pakinggan, ah, kaya okay lang 'yan. Kapag nag-page na ako. Ide-describe ko nalang ang suot niya. 'Yung eksaktong suot niya para malaman lahat ng tao na siya ang hinahanap ko.

"O-okay po." She finally said kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, makakapag- page na ako.

"What is he wea-" Tanong na naman niya kaya agad akong sumingit.

Arielle and EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon